Pamilya

17.7K 129 23
                                    

Tataliwas muna ako sa Lovelife Hahahaha :) Hope you enjoy :) 

Because its my Birthday, I'll be posting 3 poems for today :) 

Have a great Day.

****************************

Pamilya. 

Pamilya ang humuhubog saatin.

Sila ang laging nagbibigay lakas saatin.

Makikita sa isang tahanan ang tinatawag nating pamilya.

Pero minsan,

may mga darating na tao sa buhay mo.

mga taong akala mong hindi magkakaroon ng malaking parte sa puso mo, sa buhay mo.

minsan sila yung nandyan kapag kailangan mo ng karamay.

sila yung minsang magtatanggol sayo pag ika'y mayroong kaaway.

noong una,

wala pang kibuan.

walang pansinan.

tanging ang mga ngitian ang nagsisilbing daan para sa isang usapan.

pero ngayon.

hindi ko na nga matandaan kung paano kami nagumpisang magusap ng walang halong pagkaka hiyaan.

pero kahit ganoon pa man,

hindi ko maipagkakailang maswerte ako at nakilala ko sila.

nakilala ko ang mga baliw katulad nila.

kahit na minsan merong pagtatalo,

hindi mapagkakailang sa pagkain parin tayo magkakasundo.

Pamilya.

para saakin sila yung mga taong sayo'y nakakapagpasaya.

sila yung mga taong magiging komportable ka, kapag kasama mo sila.

Para sakin,ang aking mga kaibigan ay isang pamilya.

Hugot Spoken Word PoetryOnde as histórias ganham vida. Descobre agora