Ano ba tayo?

5.7K 90 7
                                    

Hindi tayo nagsimula pero nandito na tayo sa huli.
Hindi tayo nagtapos pero hindi ko na alam magsimula muli.
Walang dapat iyakan pero heto ako humihikbi.
Alam kong may nagawa akong tama pero san ako nagkamali.

Anong meron sayo?
Walang matatawag na tayo.
Pero nadudurog na ang puso.
Nabihag mo na ako.

Ngayong araw pakikiligin mo ako.
Sa susunod sasaktan na ang puso.
Ako namang naniwala sa sinabi mo.
Heto umaasa sayo.

Pwede bang sabihin mo?
Ano nga ba tayo?

Hugot Spoken Word PoetryWhere stories live. Discover now