"Umiiwas na damdamin"

1.8K 33 0
                                    

Lumayo sa walang dapat layuan.
Umiwas sa hindi dapat iwasan.
Tumakbo sa hindi dapat takbuhan.
Pero hindi na maaga pa, para ika'y iwasan.

May nalaman ka na ba?
Pakisabi naman kung mayroon na.
Para hindi ako naghihintay rito na parang tanga.
Napagod na ang puso mapaglaruan ng iba.

Sabihin mo kung saan ako nagkamali.
Tanungin mo ko kung paano nangyari.
Maari ka bang maghintay ng kahit sandali.
Nakikiusap ako, hindi ito ang huli.

Pakiusap.
Wag ka munang umalis.
Alam kong iiyak ako ng labis.

Hugot Spoken Word PoetryWhere stories live. Discover now