Paano ba?

31.9K 343 20
                                    

Mahal,
Paano?
Paano gawin yung ginawa mo?
Ang ginawa mo, para makalimutan mo ako.

Ano ang iyong ginawa?
Paano ba?

Dahil mahal,
Nahihirapan na ako.
Dahil hindi ko na alam ang dapat piliin ko.
Kung itutuloy ko pa ba,
O isusuko ko na.

Na sa bawat ipipikit ko ang aking mga mata,
Ikaw ang aking nakikita.
Na sa bawat tingin ko sa mga bituin,
'Sana ay lagi kang masaya.' Yan ang tangi kong hiling.
Na sa bawat lugar na pupuntahan ko,
Pakiramdam ko'y ikaw ang kasama ko.

Mahal, kung maibabalik lang ang oras.
Ibabalik ko yung panahong hindi ka pa umiiwas.
Pero ang oras ay lumilipas.
Ang ala- ala ng isa't isa'y kumukupas.

Mahal, patawad.
Patawad kung hindi kita malimutan.
Patawad kung martir ako,
At hindi kita mapakawalan.
Patawad kung nagseselos ako,
Kahit ang turing mo saakin ay kaibigan lamang.

Pero nasasaktan na ako,
Hindi ko na alam ang gagawin ko.

Mahal, paano ba?
Paano ba ang limutin ka?

Hugot Spoken Word PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon