Mag-isa

10K 152 2
                                    

Requested by : DrapetomaniaOfMail

Sana naging malapit sya sa nirequest mo :) kasi sobrang napiga na si brain dahil sa Accounting :)

So yeah! Please enjoy! :)

Xoxo

********************
Mag - isa:

Mundo
Nakatayo ako sa isang mundo,
na puno ng tao.

Pero bakit tila,
Hindi ko sila maramdaman.
Bakit tila parang bingi sila,
At hindi nila ako mapakinggan.

Dito sa mundong kinatatayuan ko.
Hindi ko alam kung nasaan na ang mga tao.
Hindi ko alam kung naiintindihan ba nila ako.
O kung maiintindihan ba nila ang isang tulad ko.

Maraming nakangiti.
Maraming nakatawa.
Subalit, bakit hindi ko magawa.
Bakit pakiramdam ko ay ang lungkot ng paligid at hindi ko magawang tumawa.

Pero nasanay na ako.
Dahil isa ito sa makatotohanang bagay sa buhay dito sa mundo.
Sanay na ako.

Sanay na akong maging
Mag - isa.

Hugot Spoken Word Poetryजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें