Selos

5.8K 70 8
                                    

Nagupdate ako dahil namiss ng mga tula ko ang saktan kayo. Char!

Happy 400K reads mga Ka-Hugot! Enjoy Reading.

Lovelots,

Pinky Lassy

******************

Tatlong taon at higit pa.

Oo. Kaya ko pang magpanggap na okay lang ako kahit hindi talaga.

Sapat na saaking Masaya ka.

Kahit nasa piling ka na ng iba.


Masaya kong makita kayong dalawa.

Masaya akong hindi mo sya sinasaktan tulad ng ginawa mo saakin sinta.

Masaya akong narereply-an mo kaagad ang mga text nya.

Na saaki'y noon di mo nagagawa.


Naging Masaya naman tayo noon, diba?

Pero bakit natulog lang ako,

Paggising ko meron ka nang iba.

Parang kahapon lang sinabi mo saaking "mahal kita."

Hindi naman pala totoo yon, sinungaling ka!


Masaya ako kahit nagseselos ako.

NAGSESELOS AKO!

Kasi hindi na kamay ko ang hawak mo.

Hindi ang mga buhok ko ang pinaglalaruan mo.

Kasi noong naging tayo,

Ang pinaglaruan mo ay ang puso ko.


Nagseselos akong kasama mo sya.

Nagseselos akong kamay mo ang hawak nya.

Nagseselos ako, pero tapos na tayong dalawa.

Nagseselos ako pero wala na akong magagawa.

Hugot Spoken Word PoetryTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang