Umpisa

3.9K 53 7
                                    


Tara samahan mo akong magumpisa.

Kung saan ang tadhana ang hinahayaan nating magdikta.

Kung saan hindi mo pa ako nilalayuan para sa kanya.

Kung saan nayayakap pa kita.


Niyayakap pa kita pero pilit ka ng kumakawala.

Pilit mong sasabihin ang kasinungalingang 'mahal kita" kahit hindi naman talaga.

Isa akong tanga.

Kasi matagal ko nang alam na may mahal kang iba.

Pero patuloy lang akong umaasa.


Napaibig mo ako sa mga mabubulaklak mong salita.

Napaibig mo ako sa iyong mga tula.

Napahanga mo ako sa pagkumpas ng kamay mo sa gitara.

Kaya heto ang puso ko ayaw nang kumawala.


Mahal parin kita kahit may mahal ka ng iba.

Mahal parin kita kahit hindi sumasangayon ang tadhana.

Mahal parin kita kahit nasasaktan mo ang damdamin ko sinta.

Mahal parin kita, pwede bang bumalik nalang tayo sa umpisa?

Hugot Spoken Word PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon