"Isang Laro"- Para sa lalaki

2.7K 34 5
                                    


Bakit kita iniyakan?

Bakit hindi parin kita maiwasan?

Sinabi kong ikaw ay lumisan.

Pero bakit ganoon, ikaw parin ang laman ng isipan?


Ilang beses ba dapat kitang ipagtabuyan?

Ilang beses mo pa dapat akong saktan?

Bakit patuloy akong nakikinig sa iyong kasinungalingan?

Bakit ikaw parin ang pinagkakatiwalaan?


Yung binigay mong halik sa pisngi.

Yung pagsabi mo ng 'I Love You' kahit hindi ko naman hiningi.

Yung pagtitig ng mga mata mo sa aking labi.

Yung lagi ka na lang nandyan sa aking tabi.


Pero di ko na kaya pa.

Hindi ko na kaya ang magsinungaling ka pa.

Pero bakit gusto parin kitang makita?

Bakit mahal parin kita?


Bakit hindi mo ko gustong kuhanan ng larawan?

Bakit di mo magawang ang kamay ko'y hawakan?

Bakit pakiramdam ko ang halik na binigay mo sa akin ay panaginip lamang?

Bakit kaya mo akong isantabi kahit meron tayong pinagusapan?


Nasasaktan na ang damdamin.

Hindi ko na kaya tong harapin.

Hindi totong mahal mo ako, dahil wala kang nararamdaman para saakin.

Isang laro lang ang ipinakita mo sa akin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 12, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Hugot Spoken Word PoetryWhere stories live. Discover now