Crush

10.6K 160 15
                                    

Unang kita ko palang sayo,
Napahanga na ako.
Kahit hindi ka ganon ka gwapo.
Para sakin ikaw na ang panalo.

Ikaw ang dahilan ng aking pagkabaliw.
Sa tuwing dadaan ka ang puso ko'y lumalakas ang kabog giliw.

Para bang may paro paro sa tyan.
Tuwing ikay makikita kung saan man.

Ano ba itong ginagawa mo?
Hindi ko na alam. Nahihibang na ata ako.

Yung tipong araw araw kasabwat ang barkada.
Para lang ika'y makita.
Bigla bigla mapapasigaw sila.
"Nandyan na crush mo, bakla!"
Ang sasarap putulan ng dila.

Ikaw ang inspirasyon sa pagpasok ko.
Pag absent ka matamlay ako.
Pero pag nandyan ka na sa tabi ko.
Sa sobrang kilig minsan napapamura ako.

Pasensya na kung minsan pinagmamasdan kita
Pasensya na kung minsan nakatingin ako sayong mga mata.
Hindi ko alam kung tama ang nadarama.

Crush na nga ata talaga kita.

Hugot Spoken Word PoetryWhere stories live. Discover now