Limang Salita

17.6K 218 23
                                    

Ito na.
Ito na ang pangwalong tulang aking ginawa.
Pero bakit tila hanggang ngayon ay manhid ka?

Ilang tula ba ang kailangang kong ibigay sayo?
Bakit ang labas ay ikaw si Stella at si Fidel naman ay ako?

Pero kahit ganon,
May gusto akong iparating sayo.

Limang salitang gumagambala sa buhay ko.
Limang salitang gustong mabanggit sa harapan mo.
Limang salitang matagal nang gustong sabihin sayo.

Na sa bawat susulat ako para sayo,
Yun ang laging pumapasok sa utak ko.
Na sa bawat kausap kita,
Gustong ibigkas iyon ng mga labi ko.

Paano ko ba sasabihin sayo ang limang salitang ito?
Kung inuunahan ako ng kaba ko?

Paano ko sasabihin sayo ang limang salitang.

"Mahal padin kita hanggang ngayon."

Hugot Spoken Word PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon