Isa.Dalawa.Tatlo

9.1K 143 6
                                    

Pagbilang kong isa hanggang tatlo,
Nakalimutan ko na ang isang tulad mo.

Isa.
Isa isang buburahin ang mga ala-ala.
Ala alang dati'y sakin nakakapagpasaya.
Pero ngayo'y nagpapatulo na ng aking mga luha.

Dalawa.
Wala na pala tayong dalawa.
Ikaw at ako na lang ang natira.
Dahil yun na ang ating tadhana.

Tatlo.
Sisimulan ko nang lumayo.
Ipagpapatuloy ko na ang buhay ko,
Ng wala ang isang tulad mo.
Wag mo sanang makalimutan ang isang tulad ko.
Kahit lalayo na ako mula sayo.

Natapos na ang pagbilang ko.
Paalam na mahal ko.

Hugot Spoken Word PoetryWhere stories live. Discover now