Motibo

4.7K 57 0
                                    

Nung nakilala kita.
Agad mo  na akong pinahanga.
Sa mga matatamis mong salita.
Ako'y nabihag mo na.

Hanggang sa naging malapit na tayo.
Pinakilala mo ako sa mga kaibigan mo.
Hinahatid sundo ako.
Magkahawak kamay kahit wala namang matatawag na tayo.

Walang Tayo.
Paulit ulit kong sinasabi sa sarili ko, sa utak at puso ko.
Pero di ko magawang hindi mahulog sa mga motibo mo.

Mga motibong akala ko'y bibigyan ng kulay.
Pero nagkamali ako. Hindi na nasanay sa buhay.

Pero salamat.
Salamat dahil sa mga motibong pinakita mo.
Napasaya mo ako.
Kahit na kumimirot ang puso.

Nakalimutan kong manlalaro ka.
Pero di ko alam na naglalaro ka ng feelings ng iba.

Siguro nga manhid na ako.
Hindi ko alam na sinasaktan na ako.

Hugot Spoken Word PoetryWhere stories live. Discover now