Limutin

7.6K 82 2
                                    

Sa tuwing maaalala kita.
Ang paligid ko'y tila nagiiba.
Hindi maipaliwanag ang nadarama.
Sa tuwing ang memorya'y magpapakita.

Malakas na ihip ng hangin.
Ang nagpabago sa ating damdamin.
Ano ang dapat gawin?
Upang ika'y malimutan din.

Maari ka bang maparito?
Turuan ang puso'y makalimot.
Maari mo bang sagutin ang tanong ko?
Dahil marami ang kilangang masagot.

Ito ang aking pangatlong hiling.
Sana ay iyong dinggin.
Maghihintay ako sayong pagdating.
Upang maturuan ang pusong ika'y limutin.

Hugot Spoken Word PoetryWhere stories live. Discover now