PAYMENT 1

7.5K 109 2
                                    

Napayuko ako, nakakailang na tinititigan ka habang naglalakad tapos biglang magbubulungan. Wala naman akong ginagawang masama, bakit sila tingin ng tingin saakin? Pakiramdam ko nilulusaw nila ako sa mga tingin nila.

May biglang humarang saakin, napatingin ako sa mga di ko kilalang lalaki na bumungad saakin.

"Bakit? May kailangan kayo?" tanong ko sakanila.

Nakakatakot sila tumingin. Gusto ko na umalis agad. Bakit ba sila humarang sa dadaanan ko?

"Hi Miss! Ang tagal tagal mo na dito pero hindi ka pa namin kilala. Gusto lang namin makipagkilala!"

Natatakot na ako sakanila. Aalis na sana ako pero hinarangan nila ako. Siubukan kong dumaan sa kabila pero may humarang ulit.

"Excuse me," sabi ko.

Ayaw pa din nila ako padaanin. Ayaw ko silang itulak kasi nakakatakot sila at baka anong gawin nila saakin.

"Sabihin mo muna kung anong pangalan mo," nakangising sabi ng nasa gitnang lalaki. Nakakailang siyang tignan kaya dumapo ang paningin ko sa sapatos ko.

"Mindy," medyo nanginginig na saad ko.

Gusto ko na talagang makaalis dito kaya sinabi ko na ang gusto nila. Nakita kong nag-apir sila sa hindi ko malamang dahilan.

"Nice name. Bagay sayo," aalis na sana ako pero humarang na naman sila.

Napahigpit ang hawak ko sa paldang suot ko. "Aalis na ko."

Biglang hinawakan ng lalaki ang balikat ko na nagpaigik saakin. Nanginginig man ang kamay ko ay tinanggal ko ang kamay ng lalaking kaharap ko at tumalikod para dun na lang muna dumaan.

"Sandali lang Mindy!" Rinig kong sigaw nito.

Agad kong binilisin ang lakad sa sobrang takot sa mga 'to pero biglang may marahas na humablot sa braso ko na dahilan ng pagharap ko dito. Napangiwi ako ng makitang ang lalaking yun pa rin.

"Bitaw," madiin man pero nanginginig kong sabi.

Ayokong hinahawakan ako ng kahit na sino at isa pa, natatakot na ko sakanila. Bakit ba ayaw nila akong tantanan?

"Ang ganda mo lalo sa malapitan," nakakatakot ang ngiti niya, yung tipong parang may halimaw sa harap ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Talot na takot na ko at parang naestatwa na lang ang katawan ko.

"Get your filthy hands off her," may malamig at matigas na boses ang nagsalita sa likuran ko.

"Wala kang pakealam dito Gray!" Hiyaw nitong lalaking kaharap ko. Nakakatakot sila. Parang mga leon na hindi nakakain ng isang taon.

May narinig akong yabag ng paa sa likod ko at sa isang iglap lang ay nakuha na agad ako nito sa lalaking kaharap namin.

"What happened?" Yumuko lang ako dahil sa kahihiyang naramdaman ko. Nakakahiya sakanya na muntik na siyang masapak ng lalaking yun ng dahil lang saakin. Buti na lang pagkahatak niya saakin ay hinatak niya na ko ng tuluyan palayo sa mga lalaking yun.

"Sorry nadamay ka pa," nahihiyang sabi ko na hindi man lang siya matignan.

Pabigat ako lagi, sa lahat ng bagay pabigat ako. Siguro kung hindi dumating si Gray ay tuluyan na kong umiyak dahil sa sobrang hina ko. Wala man lang ako magawa para protektahan ang sarili ko.

"I'm asking you. What the hell happened there and why the hell they're harassing you?" Matigas na sabi nito.

Binitiwan niya ang braso ko at sabay kaming naglakad papuntang canteen. Hindi pa rin ako makatingin sakanya kaya hindi ko matukoy kung ano ang ekspresyon ng mukha niya.

Her DebtWhere stories live. Discover now