PAYMENT 13

3.2K 67 2
                                    

"Jane..."

Mahinang tapik sa pisngi ko na nagpairita sakin. Tinabig ko ang kamay nito at nagtalukbong ng kumot.

"Iiwan kita dito," inis na saad ng kung sino mang damuhong 'to.

I raised my middle finger to whoever this person is. Istorbo siya.

"Jane! Don't you dare raise your middle finger on me if you still want your job!"

Napabangon ako sa malakas na sigaw nito. Kinusot ko ang mata ko para makita ng maayos ang taong 'to.

"Hi," mahinang sabi ko.

Si Sir Kai pala. Umulan nga pala ng malakas kaya dito kami napadpad sa hotel at siguro pauwi na kami.

"Cover your body!" Inis na wika nito.

Napatingin naman ako sa katawan ko and I saw my bare breast. Kinuha ko ang kumot at pinangtakip dito. Tinignan ko siya na bihis na bihis na.

"Pinadry clean ko na yung damit mo. Nasa banyo," ani nito.

Naghikab ako at nag-unat bago tumayo. Narinig ko ang pagsinghap niya pero nginitian ko na lang siya.

Tawa ako ng tawa pagdating ko sa banyo dahil pulang-pula ang mukha niya. What a face! Ganun pala dapat gawin kay Sir Kai para manahimik. Walk naked infront of him.

Naghuhum ako habang naliligo. Iniisip ko kung bakit sayang-saya ako pagtripan si Sir Kai. Crush ko ba siya? Baka nga.

Di na din ako lugi sakanya. Gwapo na macho pa kaso nga lang masungit minsan pero pagbigla ko na lang siya sinungguban nagiging sweet. Napatawa na lang ulit ako.

Teka lang, siya kaya? Lugi kaya siya sakin? Malamang hindi! Over my gorgeous sexy body! Hindi na siya lugi sakin!

Ngiting-ngiti ako sakanya pagkalabas ko ng banyo habang siya ay masama ang tingin sakin.

"Good morning!" Masayang sabi ko.

Inisnob niya lang ako at nagpatuloy sa pagkain. Umupo ako sa tabi niya at kinuha ang baso ng kapeng hawak niya at ininom yun.

"Yunmy," nakangising sabi ko.

Nakaawang ang bibig nito sakin kaya nginisian ko pa siya lalo.

"You... childish woman," hindi makapaniwalang saad nito.

Ngumiti ako sakanya at kinuha ang tinidor sa kamay niya. Tinusok ko ang hotdog sa pinggan niya at kinain ito. Nakanganga ito sakin kaya sinubuan ko ito ng kanin.

"Subuan pa kita, love?" Mapang-asar na sabi ko.

"Sure love," sarkastikong sabi nito.

Masama ang tingin niya sakin habang sinusubuan ko siya pero nginitian ko lang siya. Habang sinusubuan ko siya ay kumakain din ako. We share the same spoon. No big deal, we already kissed.

"Thanks, love."

Pinunasan ko pa ang bibig niya kahit ang sama ng tingin sakin nito. I kissed his lips pagkatapos.

"You're so fucking annoying," inis na sabi nito.

Pinunasan ko ang lipstick stain sa labi niya. Tumalon ako paupo sa lap niya.

"Don't curse," saad ko.

Umirap ito sakin at pinaalis sa kandungan niya. Tumayo ito at nilagay ang kamay sa bulsa.

"Come on," ani nito.

Humiga ako sa sofa at mapang-asar na ngumiti sakanya. Sinubukan niya kong hatakin pero yumakap ako sa sofa. Tawa lang ako ng tawa ng mainis siya.

Her DebtTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon