PAYMENT 24

2.9K 49 5
                                    

"One more please..."

Kahit marami na kong nainom ay nandun pa rin yun sakit. Fuck you, pain.

Tuloy-tuloy kong nilagok ang isang shot na agad na gumuhit sa lalamunan ko. Napapikit ako ng mariin dahil umiikot na ang aking paligid.

Napatingin ako sa basong hawak ko na sa tingin ko ay nagiging dalawa na. Bakit dalawa na 'to?

"Hey miss beautiful! Do you need an accompany?" Napatingin ako sa lalaking nakangiti sakin ngayon.

Plastik akong ngumiti dito. "Fuck off." Sabay lagok ko ulit sa baso ng alak na hawak ko. Nagsalin ulit ako sa shot glass sabay lagok ulit.

"Whoa! Hinay-hinay lang. Masyado kang hot."

I gave caliginous stare to the person on my left. Bakit ba ayaw umalis ng kupal na 'to? Ano tingin niya? Madadala niya ko sa cheap na motel? No freaking way.

I raised my middle finger on him. "Pwede bang umalis ka na? Naiirita ako dyan sa pagmumukha mo!"

"Pakipot ka pa! Alam kong gusto mo din naman!" Galit na asik nito.

Hahawak na sana 'to sa bewang ko ng may kamay na tumabig sakanya at agad nitong pinalipad ang kamao sa lalaking epal na yun.

"Fuck off. She's mine."

Hindi ko na sila inintindi at tinuloy ang paglagok ng alak. Liquor feels good.

"Stop drinking," sabay kuha ng shot glass sa kamay ko.

Pinanliitan ko 'to ng mata. "Wag mo nga akong pakealaman! Sino ka ba huh? Isa ka lang namang malaking gago na walang ginawa kundi saktan ako!"

Pinaghahampas ko ang dibdib niya pero nanatili itong walang kibo. Ni hindi ako nito pinigilang hampasin siya hanggan sa ako na ang kusang huminto sa pagbayo sa dibdib niya.

"I hate you! I hate you so much! Bakit mo ba ginagawa sakin 'to!? Why I'm suffering so much because of you? Wala ka ng ibang ginawa kundi saktan ako!" Napahagulgol na ko ng iyak.

This pain... this pain is unexplainable.

Kinuha ko ang shot glass sakanya sabay lagok dun. "Ayaw na kitang makita! Ayaw ko na din marinig ang boses mo! Sana hindi na lang kita nakilala! Edi sana hindi ako nasasaktan ng ganito!!"

Hinawakan ko ng mahigpit ang shot glass sa sobrang emosyon na nararamdaman ko. Parang gusto kong magwala pero hindi ko magawa.

Hinawakan nito ang kamay ko at pilit akong nagpupumiglas sa hawak niya. Ayokong hawakan niya ang kamay ko.

"Let's go home, Mindy. Lasing ka na," mahinahong sabi nito.

Sobrang amo ng mukha niya ngayon na parang walang demonyo sa likod ng maamong mukhang yan. Isa na ko sa mga naloko ng maamong mukha niyang yan.

"Sabihin mo nga sakin, Gray? Bakit mo ba ginagawa 'to!? Dahil na naman kay Mary? Si Mary na naman ba ang dadahilan mo sakin? Bakit ba hindi mo na lang ako hayaang maging masaya!? Walong taon na yun! Walong taon na! Wag mo kong idamay kung gusto mo maging miserable! Wag mo kong idamay kung gusto mong magkulong sa nakaraan! Please maawa ka naman sakin, Gray. Pakawalan mo na ko! Pakawalan mo na ko!"

Pilit kong tinanggal ang pagkakahawak niya sa kamay ko. Hanggang sa mabitiwan niya na ko at nawalan ako ng balanse kaya nahulog ako sa kinauupuan ko.

Her DebtTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon