PAYMENT 30

3.5K 51 2
                                    

"Ms. Espeilla, this is needed today. Please immediately pass it later," sabi nitong ingratang kalbo na 'to sabay alis.

Badtrip! Sobrang tambak trabaho ko ngayon araw! What have I done to deserve all of this!? Marami pala but jeez, this paper will be the death of me.

Halos mapuno na yung lamesa ko sa sobrang dami at gabundok ang taas. Lahat yata sakin binigay. Badtrip talaga.

Someone knock on my door. "And pinapasabi din pala ni Sir Kai na hindi ka aalis hangga't hindi tapos lahat ng gawain mo."

Sabay padabog na sinara ng ingratang kalbo na yun. Napairap na lang ako sa kawalan. Fuck them.

Inis ko ginulo ang short auburn hair ko. Panay ang make face ko sa mga papel habang ginagawa ko 'to.

Badtrip kasi yung boss ko! Pinepersonal ako masyado! Kung may galit siya sabihin niya, hindi yung dinadaan niya ko sa trabaho. Parang dati halos walang dumadaan na trabaho sakin tapos biglang dumagsa?

"Oo nga pala! Sabi din niya ibigay mo sakanya yung sales ngayon linggo," sabay balibag ulit ng pinto ng ingratang kalbo.

Subukan niya pang bumalik dito ng isa pa! Tatamaan na sakin yung kalbo na yan.

Padabog kong binuksan ang computer para sa sales na sinasabi ng mahal na mahal kong boss. Note the sarcasm.

"Isa pa pala, yu--"

Hindi niya pa natatapos yung sinasabi niya ay mabilis kong pinalipad ang hawak kong baso sakanya. Bwiset na kalbo na yan! Bakit nakailag pa rin siya! Asar.

Pinagpatuloy ko na lang yung paggawa ng report. Papakita ko sakanya! Hindi ako aayaw!

Maya-maya lang ay nakarinig na naman ako ng katok sa pinto ko. Mabilis kong hinubad ang suot kong stiletto at inamba sa papasok sa pinto ko.

Handa na sana akong ibato pero napatigil ng makita ko yung papasok. Nagkasalubong ang mga mata namin, ang cold lang.

Nahihiya kong binaba ang hawak kong stiletto. "Pasensya na Sir, akala ko kasi..." 

"You thought what?" Malamig na saad nito.

Napakagat ako sa labi ko. "Sorry, Sir..." tumingin ako sa mata nito ngunit agad din nagbaba ng tingin.

Tumikhim ito. "You don't have the rights to throw something to your co-worker, Ms. Espeilla. We're professionals, act like one." The he left me.

Napakagat labi ako at napasabunot sa buhok. Punyeta! Pahamak yung ingratang kalbo na yun! Nag-away na nga kami ni Kaine dadagdagan niya pa?

Inunat-unat ko ang likod kong kanina pa nanakit. Napatingin din ako sa orasan na malapit sakin. Madaling araw na pala. Napahikab ako at tinignan ang mga papeles na nasa harap ko. Konti na lang! Kaya yan.

Then suddenly my phone begin to ring. Tinatamad ko 'tong kinuha at sinagot.

"Hey."

His manly voice went through my soul. Nagising ako dahil sa napakaganda niyang boses.

"Mindy? You still there? Are you sleepy?" Malambing na saad nito.

"Nasa trabaho pa ko, Gray."

Tila nakahanap ako ng kakampi sa katauhan ni Gray. Aping-api kasi ako dito sa kompanyang 'to. Wala silang awa sa isang magandang may short auburn hair na tulad ko.

Her DebtTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon