PAYMENT 14

3K 71 2
                                    

This past few days I'm observing Sir Kai pero wala lang akong napala. This is crazy. Mali nga yata talaga ang hypothesis ko.

Hindi niya din naman ako kinikibo kung hindi tungkol sa trabaho ang pina-uusapan namin. He's cold and brute kaya takot sakanya ang mga empleyado dito sa kompanya.

Wala pa siyang isang linggo pero pinapakita na niya kung sino ang dominant. He's a very professional businessman. Konting mali, katakot-takot na apoy ang matatanggap mo.

He remind me of Gray. Tsk. That jerk! Walang hiya yung lalaking yun! Bwiset siya! Wag na sana siyang bumalik dito! Kung gaano siya kagwapo ganun naman kapangit yung ugali niya.

Biruin mo ba naman? Konting mali mo lang sa kompanya niya taggal ka agad? Tsk. Mas mabait pala si Sir Kai sakanya ng one-fourth lang pagdating sa business. One-half pagdating sa attitude. At one hundred percent sa kama. Namula ako sa naisip ko.

Erase! Ang green minded ko naman! Tsk. Totoo naman kasi! Ang brutal kaya ng gagong si Gray na yun! Si Sir Kai naman yung gentle... malambing.

Bakit ko ba sila pinagkukumpara? Bahala nga sila sa buhay nila! Mga stress sa buhay ko!

Mukhang malabong si Sir Kai si Kaine kasi kahit konti walang bakas ng Kaine na kilala ko. Kaine smile often, he's friendly and nice malayong-malayo kay Sir Kai na napakasungit kahit kanino lalo na sa mga babae.

Natatawa na nga lang ako sa mga babaeng sumusubok na landiin si Sir Kai. Pinapahiya niya talaga sa lahat.

Pero bakit nung ako? Irresistible lang siguro ako. Hindi ko pa pala siya nasubukang landiin sa harap ng maraming tao. Bibigay kaya siya sakin o taob lang din ang gorgeous body ko? Wag na subukan baka mapahiya lang ako.

Tinanong ko din sa 'lalaki' niyang secretary kung anong buo niyang pangalan, Kai Vogel lang daw talaga.

"Jane!"

Napatayo ako ng wala sa oras sa lakas ng sigaw ng kung sino. Tinignan ko ito at kitang-kita ko ang iritasyon sa mukha niya.

"You're spacing out! Minsan iniisip ko kung paano ka naging head of finance kung ganyan ang attitude mo! Your impossible! Puro na lang ba kapalpakan ang gagawin mo dito sa kompanya ko!" Asik nito.

Tumikhim ako.

"Lahat ng sinabi mo ay walang katotohanan, Sir! Nag-iisip lang ako ng strategy kaya ako nakatulala. Kailangan magfocus sa job!" Sabay taas ko ng close fist ko.

Thanks to Mrs. Lampara, immune na ko sa ganito. Ngiting-ngiti pa ko sakanya habang humihilot siya sa sentido niya.

"You're really impossible," anas nito.

"Nothing is impossible! Stay positive, Sir Kai! Baka mamuti lahat ng buhok mo kasi lagi kang galit," natatawang ani ko.

Sinamaan ako nito ng tingin at padabog na binagsak ang kamay sa mesa ko. Sabi ko nga shut up na lang ako.

"One more... one more and I'll fire you," tinignan niya ko ng masama. "I'm death serious."

Napalunok ako at tumango. Note to myself, wag na wag biruin si Sir Kai. Baka sa kalsada ako pulutin pagnatanggal ako sa trabaho.

"I won't say anything that is not related to my job especially the nonsense things," pormal na saad ko.

"Make sure," he said while giving me a caliginous stares.

Her DebtTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon