PAYMENT 4

4.1K 78 12
                                    

"I'm sorry. Ginawa na namin ang lahat ng makakaya namin."

Para akong nabingi sa sinabi ng doctor. Paanong? Parang kanina lang kausap ko pa si Mary.

Napaigik ako sa sakit ng tumama ang likod ko sa pader. Sinalubong ng mga mata ko ang nagliliyab sa galit na mata ni Gray.

"Gray ano ba! Nasasaktan ang pinsan ko sa ginagawa mo!" Pilit na tinutulak siya ni Kate pero hindi ito nagpatinag at hinigpitan pa ang hawak sa magkabilang braso ko.

"You bitch..."

Grabe ang kabog ng dibdib ko habang nakatingin pa rin sa mata ni Gray. Para siyang papatay ng tao at ako ang napili niyang biktima.

"Pinatay mo ang girlfriend ko!" Dumagungdong ang sigaw niya sa corridor na kinalalagyan namin.

"Gray! Wala kang karapatan na pagbintangan ng ganyan si Mindy!" Sabay tulak ni Kaine ng malakas kay Gray palayo saakin.

"Wala?" Tumawa ito ng malakas na parang nasisiraan na ng bait. "Tinapon niya sa dagat yung kwintas na binigay sakanya ng nanay niya at kung hindi niya yung tinapon hindi mamamatay si Mary!"

Napatingin ako ako kay Trent at nakita ko ang palihim na ngisi nito sakin. "Sinubukan ko silang pigilan pero ayaw paawat nitong si Mindy kaya tinawag na kita Gray."

Sinugod ko siya at sinampal ng malakas gamit ang nanginginig kong kamay. Sobrang galit ang naramdaman ko.

"Sinungaling ka! Wag mo kong baliktarin Trent!"

Hahampasin ko pa sana si Trent ng may kamay na humila sa bewang ko at binalibag ako sa pader.

"Gray!"

Napaigik ako sa sakit na nararamdaman ko lalo na nung pisilin niya ang braso ko at pakiramdam ko ay nadurog ang buto ko dun.

"You liar. I know Trent at mas matagal ko siyang kilala kesa sayo kaya bakit sayo ako maniniwala?"

Sinalubong ko ulit ang nag-aapoy niyang mata bago nilingon si Trent na nginisian ako.

"Si Trent ang may kasalanan ng lahat kaya hindi ko alam kung bakit ako ang pinagbibintangan mo!" Napaigik ako ng humigpit pa ang hawak niya sa braso ko. "Ano ba Gray!? Nasasaktan na ako!"

"Talagang masasaktan ka! You killed my girlfriend, you whore!"

Hindi na ko nakapalag ng hilahin niya ko palayo sa mga kaibigan namin na hindi na din nakaangal. Pilit akong kumakawala pero mas nasasaktan ako sa ginagawa ko. Tinulak niya ko sa front seat ng sasakyan niya at dali-daling pinaharurot ang sasakyan.

"Dahan-dahan lang Gray!"

Halos manigas ako sa kinauupuan ko sa sobrang bilis ng pagpapatakbo niya.

"Shut up bitch!"

Nakaramdam ako ng takot ng huminto kami sa isang five star hotel. Hinatak niya ko papasok dun at wala ng nagawa ng ihagis niya ko sa kama at kinubabawan.

"Anong ginagawa mo?"

Nakita ko ang ngisi sa mukha niya na lalong nagpakaba saakin. Binalot ng kaba ang puso ko.

"Naalala mo ba yung sinabi ko sa kung sino man ang mananakit sa girlfriend ko?"

Napapikit ako ng maalala ko ang sinasabi niya. Nagulat ako ng may dumiin na bagay sa bandang puson ko.

Her DebtTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon