PAYMENT 26

3.1K 48 11
                                    

Kinapa ko ang maingay kong cellphone sa side table na dahilan para maalimpungatan ako.

"Hello?"

Nakapikit pa rin ako at nakahiga sa kama. Sino ba 'tong tumatawag sakin? Madaling araw pa lang kaya.

"Mindy... I miss you... I miss you so much, love."

Napabalikwas ako ng upo. Agad kong tinapi ang kumot sa aking katawan. Tinignan ko ang phone ko at tama nga ako, si Kaine nga.

"Hello? Nasaan ka? Bakit ang ingay dyan?"

Nasa bar ba siya? Pati yung boses niya, is he drunk?

"Blood and guts, love. Sunduin mo ko dito. I want to talk to you. We have a lot to talk about."

Napabuntong hininga ako ng makitang alas kwatro na. Kanina pa ba siya sa bar?

"Okay. Dyan ka lang. Papunta na ko."

Agad akong tumayo para magshower. Pagkatapos ay mabilis na inayusan ang sarili.

"Where are you going?"

Napasulyap ako sa kama ng marinig kong nagsalita si Gray. Namumungay pa ang mata nito habang nakatingin saakin.

"Pupuntahan ko lang si Kaine sa bar. Lasing na ata," saad ko habang naglalagay ng lipstick.

Tumingin ako dito ng hindi na ito nagsalita. Pagsulyap ko ulit sakanya ay nakapikit na ulit 'to.

Lumapit ako dito at humalik sa pisngi niya. "Alis na ko."

Napahinto ako ng hawakan nito ang braso ko. When I looked at him I saw an unreadable emotion. Katulad ng emosyon niya nitong nakaraan lang. Hindi ko talaga alam kung anong gustong ipahiwatig sakin ng mga mata niya.

"Bakit?" Naguguluhang saad ko.

"I... I..." bigla itong nagbuntong hininga. "Ingat."

Tapos ay tinalikuran na ko nito. Napakunot noo na lang ako dito. Weird.

The loud sound and the neon lights welcomed me in. Sobrang usok din sa loob. Inikot ko ang buong bar pero hindi ko talaga makita si Kaine. Nasan na ba yung lalaking yun?

Nasa dance floor ba siya? Nasa banyo? Nagulat ako ng may biglang yumapos sakin mula sa likod. Magpupumiglas sana ako kaso naamoy ko ang pamilyar nitong amoy.

"You looking for me, love? Kanina pa kita sinusundan," sabay halik nito sa bandang leeg ko.

"Mahal kita. mahal na mahal kita... wala akong pake sa mga pictures na yun. Fuck that. All I want is you... please... sobrang miss na kita..."

Napapikit ako dahil may pagkagaralgal ang boses niya. I can feel the sadness on his tone. Lalong humigpit ang yakap sakin nito.

"Basta layuan mo lang yung Gray na yun. Stay away from that jerk. Your mine. Sakin ka lang."

Hinarap ako nito sakanya at mariing hinalikan sa labi. It's rough but at the same time passionate.

"I love you so much," sinsero na pahayag nito.

Pinakiramdaman ko ang sarili at agad na ngumiti dito. "I love you too."

Sumilay ang matamis na ngiti sa labi nito at muli akong niyakap ng mahigpit. "I'm not dreaming, right? Lasing lang ako pero totoong nangyayari ang lahat ng 'to diba?"

Natawa ako ng bahagya. "Totoo 'to lahat," bahagya akong humiwalay dito at tinasaan siya ng kilay. "At kelan ka pa naging lasinggero?"

He gave me his sheepish smile. "I'm sorry, love. Di ka lang talaga matanggal sa isip ko."

Her DebtTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon