PAYMENT 31

3.3K 58 14
                                    

"Hello!?" Inis na sagot ko.

Ilang oras pa lang ako natutulog may nangbubulabog na agad?

"Hello? Sino ba 'to? Alam mo ba kung anong oras na!?" Inis na sabi ko ng hindi magsalita ang caller.

Ilang segundo ang dumaan at tanging malalalim na paghinga lang nito ang naririnig ko. Inis kong tinignan ang caller at napakunot noo ng malaman kung sino ito.

"Hello? Gray? Bakit ka napatawag?"

Pero tanging malalalim lang na paghinga ulit ang narinig ko. Ano bang nangyayari dito sa lalaking 'to?

"Kung wala kang sasabihin baba ko na 'to."

Ilang sandali pa ay hindi pa rin siya nagsalita at akmang papatay ko na ng...

"Mindy..."

Napakunot noo ako. Bakit ganun yung boses niya? Parang paos na paos.

"Okay ka lang?"

Napaupo na ko at tinuon ang atensyon kay Gray na nasa kabilang linya.

"It burns me, Mindy. I don't get this..."

Tila hirap na hirap din ito magsalita at may pagkagaralgal pa. "Lasing ka ba?"

I heard him groaned. "Can you please... please be here and cuddle me."

Then he hang up. Napakamot ako sa ulo at ginulo ito ng matindi. Wala pa nga akong tulog! Kainis.

Kahit labag sa loob ay pinuntahan ko siya sa condo unit niya. The smell of him welcomed me in.

Napakunot noo ako ng may nakitang basag na bote. Battered na naman ba ko ngayon? Pero parang hindi naman siya galit nung nag-usap kami sa phone.

Dahan-dahan akong pumunta sa kwarto niya at bahagyang sumilip sa nakaawang nitong kwarto. Nakita kong nakatalukbong ito ng kumot at mukhang natutulog na.

Lumapit ako dito at dahan-dahan kong inalis ang tabing sa mukha nito. Nagulat ako ng makitang nakadilat ang mga mata nito lalo na ng magtama ang paningin namin.

I can see the unknown emotion in his eyes again. Pero mas matindi yung emosyon na yun ngayon. "You're here..." paos na saad nito.

Bigla itong umayos ng pagkakaupo pero nakahawak ito sa ulo na tila sumasakit yun. Umupo ako sa tabi niya at mataman siyang tinignan.

"You totally forgot about me, don't you?"

Napakunot-noo ako dito habang tinigtignan siyang nakahawak pa rin sa ulo niya. "Ano bang pinagsasabi mo?"

I heard him chuckled. "Sabi ko pupuntahan kita sa office mo. Nakalimutan mo diba?" Sabay lingon nito sakin at nagulat ako sa nakita kong emosyon sa mga mata niya.... is he...

"You totally forgot about me because of that Kaine! Fuck, Mindy! Hindi ko maintindihan kung bakit ganto..." nanghihinang saad nito.

Nakatitig lang ako sa mga mata nito at hindi makapaniwala sa pinapamalas niyang ekspresyon. "I don't get myself why I'm so affected to the thought of you and Kaine. I want to take you away from him. I want you all by myself and I don't like it.

"I tried to avoid this fucking feeling of mine pero hindi ko na kaya, Mindy..." paos na usal nito. "Hindi ko maintindihan kung bakit nasasaktan ako ng ganito sa nakita ko."

Her DebtWhere stories live. Discover now