PAYMENT 22

3K 51 6
                                    

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sakanya kaya nanatili na lang akong tahimik. I know he's angry to me.

Ayaw niya lang sigurong mag-away kami kaya ni isang salita ay wala siyang sinabi. Napatingin ako dito na diretso lang ang tingin sa daan.

Napatingin ako sa isdang hawak ko na kumekembot-kembot pa. Buti pa siya walang problema, ikaw ang Mindy version na walang problema.

"Hindi na kita tatanungin, Mindy. May tiwala ako sayo kaya sana wag mo namang sirain," madiin na sabi nito.

Napalunok na lang ako. Kaba. Matinding kaba ang naramdaman ko. Sorry, Kaine. I'm not as faithful as you think.

Bahagya itong sumulyap saakin. "Answer me."

"O-Okay," sabi ko kahit labag sa loob.

I don't wanna promise him anything. Alam ko kasing baka mabali ko lang kung sakaling mangako ako sakanya.

Tumikhim ito. "Sana wag mo na ko iwasan. Hindi ko alam yung dahilan mo pero sana wag mo na ko iwasan. I'm sorry if ever I did something wrong."

Napalunok ulit ako at tumango-tango. "Hindi na kita iiwasan and I'm the one who's suppose to say sorry. I'm sorry."

Nakita ko ang pagngiti nito sabay kuha ng kamay ko at pinagsalikop. Sa ginawa niya'y may naalala akong tao, isang partikular na tao. Isang tao na iniwan ako kani-kanina lang dahil sa sobrang pagkapikon.

Bakit niya kaya hinawakan ang kamay ko? Anong dahilan niya? Bigla tuloy akong nacurious.

"Nandito na tayo."

Agad kaming bumaba pagkarating namin sa Vijandre. Nakapamulsa ito habang nakatingin sakin kaya lumapit ako sakanya at hinalikan siya sa labi.

"Thank you. Good night," nakangiting saad ko.

Seryoso lang itong nakatingin sakin. "You don't want me to come with you? Okay. May pagkain dun sa lamesa kung nagugutom ka. Good night. I love you."

Hindi na ko nakapagsalita hanggang sa makaalis siya. Napahilamos na lang ako sa mukha ko. Mukhang napuno ko yata si Kaine.

"What a show. Mukhang nag-away kayo."

Napatingin ako sa likod ko at nakita ko ang isang lalaking nakasuit habang nakapamulsa. Humarap ito sakin ng nakangisi.

"Hindi ko na yata kailangan pag-awayin pa kayo," lalo itong ngumisi.

Napairap na lang ako sakanya. "Pwede ba, Gray? Pagkatapos mo kong iwan nandito ka ngayon para lang mang-asar. Spare me," asar na turan ko.

Ngumisi lang ulit 'to sakin. "Spare who? You?" Tumawa ito ng mapang-uyam. "I like playing with you... you know that."

Napahilamos na lang ako sa sobrang pagkainis ko kay Gray. Aalis na sana ako pero hinawakan niya ko sa braso.

"Get your stupid bag in my car, you bimbo."

Walang sali-salitang lumapit ako sa kotse niya at kinuha ang bag ko. Bahala siya. Manigas siya kung gusto niyang marinig akong magpasalamat.

"Tignan natin kung ang isang 'to kaya niya pa ring palampasin. Sinasabi ko sayo, Mindy. Pagpinalampas niya 'tong isang 'to di ko na kayo guguluhin."

With that he left. He left me confuse.

Ano bang pinagsasabi niya? Labo niya talaga kausap.

Nakasimangot ito sakin. "Gusto ko."

Napabuntong hininga na lang ako. Bakit ba ang kulit-kulit ng lalaking 'to?

"Ayoko nga! Bakit ka ba namimilit? Kung gusto mo talaga, pumunta ka mag-isa mo tutal ikaw lang ang may gusto! Wag mo kong madamay-damay dyan!" Inis na wika ko.

Her DebtTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon