PAYMENT 12

3.4K 67 4
                                    

"Ang hot niya 'no? Mindy Jane? Ayan! Dapat yan ang syotain mo!"

Nakatingin kami ngayon sa isang lalaking nakasuit habang papasok sa elevator.

"Ayoko! Woman hater kaya 'yang taong yan," sabay irap ko.

Ito talagang si Blair! Simula nung isang araw iba't-ibang lalaki nirereto sakin tapos ngayon si Sir Kai? No way! Sungit kaya nun.

"Hoy bitch! Usap-usapan kaya ngayon ang kagwapuhan at hotness ni Sir Kai! Nakakadagdag kaya ng kagwapuhan ang kasungitan," irap din nito pabalik.

Nagsamaan kami ng tingin bago sabay umirap. Baliw na talaga 'to.

"Ayun na lang! Balita ko may ferari daw yan kasi mayaman ang ama yun nga lang, anak sa labas," sabay turo sa isang lalaking naglalakad palabas ng building.

Inirapan ko na lang siya at walang sere-seremonyang tumayo at iniwan siya sa lobby. Bahala siya dun sa buhay niya.

Saktong pagpasok ko sa elevator ay ang pagtunog na cellphone ko na may tumatawag na isang unregistered number.

"Hello? This is Jane, who the hell are you?" Bored na sabi ko.

"Hospitality is your best asset, Jane."

Kahit malamig ang boses ay halata ang pagiging sarkastiko nito.

"Good morning, Sir Kai" masiglang sabi ko.

Alam ko na naman ang boses niya kaya hindi na ko nahirapan kilalanin siya.

"You're still late today? Make sure you have a reasonable explanation like yesterday," sarkatikong malamig na naman na sabi nito.

"For your information, Sir. Mas nauna akong pumasok sayo. Kakadating mo lang diba? Nasa lobby ako nun kasi maaga talaga akong pumasok para sayo. Gusto ko pa sanang magpasabog ng confetti nung makita kita para ipakita ko sayo ang hospitality ko kaso baka masobrahan ka na kaya sa ibang araw na lang," masiglang sabi ko.

Sakto naman bumukas ang elevator at sakto din na nagtama ang mata namin. Ang lamig talaga! Nasa Alaska yata yung mga mata niya. Tapos pitch black pa ang kulay ng mata niya kaya nakakapangilabot lalalo.

"Make sure of that."

At pinatayan niya na ko. Lalabas na sana ako pero hinatak niya ko pabalik sa loob.

"Bakit?" Nagtatakang sabi ko.

Tinignan niya ko pero agad din tumingin sa harap. "We're gonna check the location today," pormal na anas nito.

Nagkibit balikat na lang ako at nang tumunog ang elevator ay bumulaga din ang madaming empleyadong pasakay. Tinignan nila kami ng may malisya at walang sino man ang pumasok hanggang sa nagsara ang pinto.

"Mukhang takot sayo ang mga empleyado. Buti pa yung daddy mo mabait," mahinang bulong ko na narinig niya yata dahil sinamaan niya ko ng tingin sa reflection namin dalawa sa elevator.

Bumukas ulit 'to at napunta kami sa ground floor. Nakita ko si Blair sa mga empleyadong naghihintay dun na nanlalaki ang mata at ngumisi.

"Ikaw bitch huh? Di ka nagsasabi sakin! Kunwari pang di mo type si Sir Kai," irap nito.

I raised my middle finger to her ng makalabas na kami ng elevator at ganun din siya sakin sabay irap.

"What a nice scene. You're really a prim and proper kind of girl," sarkastikong sabi nito.

"Thank you, Sir Kai," sarkastikong wika ko rin.

Hindi na kami nagsalita hanggang sa makarating kami sa parking lot at nakita ko na naman ang shiny black sports car niya. Namula ako bigla sa naisip ko.

Her DebtTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon