PAYMENT 32

3.2K 51 3
                                    

Tahimik lang akong nakamasid sakanya habang walang kibo itong kumakain.

Tuloy-tuloy lang ito sa pagkain na parang di niya ko nakikita. Panaginip lang ba yung kagabi?

"Stop drooling," masungit na saad nito.

Umingos ako dito at uminom ng kape. "Masakit ba ulo mo?"

Bahagya lang itong sumulyap sakin at nagpatuloy sa pagkain. Great. Just great. Ganyan ba talaga umakto yung isang tao pagkatapos magconfess ng pagmamahal!? Napairap na lang ako.

"Don't make face on me. Just eat your food," matigas na ani nito.

Lalo akong nagmake face dito at umirap pa. I saw him taunting his jaw at mababakasan ng pagkairita yung mukha niya.

Para asarin siya lalo ay ngumuya ako ng napakaingay. Nakita kong huminto ito sa pagkain at tumingin sakin kaya lalo kong iningayan ang pagkain at nagmake face pa sakanya.

"Shut it!" Inis na sabi nito.

Nangalumbaba ako at ngumuya-nguya pa rin. Inis itong tumayo at pagkatapos ay pakalabog na sinara ang ng kwarto niya.

Napangisi ako at madaling uminom ng kape bago sumunod dito sa kwarto niya. Naabutan ko itong nag-aayos ng kurbata kaya mabilis ko 'tong inagaw sakanya at ako na ang nag-ayos.

Ngiting-ngiti lang akong tumingin dito ng maayos ko ang kurbata niya pero pagtingin ko sakanya ay seryoso itong nakatingin saakin. 

Hinatak ko ang kurbata niya pababa at dinampian ko siya ng halik sa labi. Seryoso pa rin itong tumingin sakin at ni hindi kumibot ang labi.

Napairap na lang ako dito at aalis na sana pero mabilis ako nitong nahila at kinulong sa bisig niya. Saktong natapat kami sa full length mirror. He's back hugging me, he's arms is snaked on my tummy. Kitang-kita ko din kung paano siya tumitig sakin sa salamin, nakakatunaw.

"I'm in love with you but it doesn't mean that I won't be irritated to you anymore," masungit na saad nito.

Napangisi na lang ako dito. "Patience, Gray."

Ngumisi ito pabalik. "You already know that I'm a short-tempered person."

Umirap ako dito at humarap sakanya. I snaked my arms on his neck. Nakatingkayad pa ko nun sa sobrang tangkad niya.

"This time..." matamis akong ngumiti dito. "I'll be the boss."

Nagulat ako ng bigla nitong hinawakan ang hita ko at hinila pataas kaya napapulupot ito sa bewang niya.

Ngumisi ito sakin. "No. I'm still the boss."

Napatili ako ng ihagis ako nito sa kama. "Tumigil ka nga! Isa, Gray!"

He then chuckled. "Who's the boss now?"

Inis akong tumayo at nameywang sa harap niya. "Ayaw mong ako yung boss!? Then be it! Dun ako sa lalaking ako yung gagawing boss!"

Unti-unting nawala ang ngisi sa labi niya at biglang dumilim ang mukha. Napalunok ako. Wrong move.

"Don't you fucking dare," he said while giving me a caliginous stare.

Ngumiwi ako dito. "Then I'm the boss."

"You'll be the boss of me?" Umangat ang isang kilay nito. "No one ever boss me around."

Napairap na lang ako. "Bahala ka nga! Kelan nga ba ako nanalo sayo."

Tsk. Siguro pinagtitripan lang talaga ako nito. Kainis talaga siya!

"Let's go then." Saad nito habang nakatingin sa relos. "We're gonna be late."

Di man lang ako nito hinantay at nauna na sa labas. Napairap na lang ako. Padabog akong sumunod dito.

Her DebtTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon