PAYMENT 44

5.4K 66 1
                                    

Paulit-ulit kong pinakinggan ang hawak kong bagay ngayon at di ko mapigilan maluha. This conversation is still fresh in my mind. At kahit kelan hindi ko na 'to makakalimutan.

Ang pusong kwintas pala ay may tinatagong voice recorder sa loob. This is not Mary's dahil pati ang pag-uusap namin ni Trent pagkahagis niya ng kwintas nito ay nandito rin. Nakakabaliw na all along, may ebidensya na inosente ako sa lahat ng nangyari pero tinatago pala ng demonyong yun.

Sabi nila masamang magtanim ng galit sa kapwa pero hindi ko mapigilan ang puso kong magalit ng lubusan sa taong yun. I loathe him so much. I loathe Trent so much. Kung hindi lang illegal na pumatay ng tao baka napatay ko na siya o baka kung may purge dito ay siya ang una kong hanapin at paslangin.

"Anak, humayo ka na at nandun na yung mga kaibigan mo sa pagkikitaan niyo."

"Hindi ko sila kaibigan," mabilis na tugon ko kay Nanay.

Narinig ko ang buntong hininga nito at ang pagyakap nito sakin ng mahigpit. "Anak naman. Palayain mo na ang galit dyan sa puso mo. Hindi ka lubusang magiging masaya hangga't may namumuong poot sa puso mo. Palayain mo ang galit na yan at isa-Diyos mo na lang yan."

The anger that surrounds my whole being overflowed lalo na 'nung araw na huli kaming nagkausap ni Gray. How many months have passed since that? I can't remember.

"Pero bakit pati kay Gray ay nagagalit ka anak? Bakit pati siya nilalayuan mo? Aba'y nakakaawa na yung batang yun at araw-araw bumabalik dito para puntahan ka ngunit hindi mo naman siya nilalabas. Maawa ka naman sa tao, anak."

Umiling-iling ako kay Nanay. "Hayaan niyo po muna ako mag-isip, Nay."

Narinig ko ang buntong hininga nito bago lumabas ng kwarto ko. Napahawak ako sa tiyan kong nahahalata na ang umbok. Napangiti ako at hinaplos ito.

"Anak, pasensya ka na at ganto si Mommy mo ngayon huh? Wag ka mag-alala, papakilala na din kita sa Daddy mo."

Binaba ko ang hawak kong kwintas at humiga sa kama ng dahan-dahan. Kahit na marami akong iniisip ay sinisigurado ko na inaalagaan ko ang kalusugan at katawan ko para sa baby na nasa loob ko. I won't let anyone harm my baby. I love my baby so much.

Simula ng malaman ko na may ebidensya na nagsasabing wala akong kasalanan at inosente ako sa pagkamatay ni Mary ay bigla akong nakaramdam ng galit. Galit para sa lahat ng taong nag-akusa at nagdiin sakin. Sa mga taong hindi naniwala sakin ng sabihin kong hindi ako ang may kasalanan sa pagkamatay ni Mary.

Gusto ko ipamukha sakanila ngayon na sila ang mali, na sila ang may kasalanan sakin. I want to slap their faces one by one sa sobrang galit ko. Na wala silang tiwala sakin dahil hindi nila ako pinaniwalaan. I hate them too.

I hate Gray too. I hate him dahil ang daming pasakit ang napagdaan ko dahil lang sa maling akala niyang ako ang pumatay sa pinakamamahal niyang babae. He hurt me. He tortured me for almost a decade. Nahirapan ako sa pag-aaral ko dahil sakanya, nahirapan ako maghanap ng trabaho dahil sakanya, hirap na hirap ako dahil sakanya.

And now? Ngayon na napatunayan ko ng hindi ako ang may kasalanan? Ano sila ngayon!? I'm sure they feel stupid and guilty dahil sa lahat ng ginawa nila sakin. Serve them right.

Hindi ko alam kung ilan oras akong nakahiga hanggang sa makaramdam ako ng gutom. Tumingin ako sa orasan para makasigurong wala pa si Gray sa sala namin.

Dahan-dahan akong tumayo habang nakahawak sa tiyan ko. My baby is already hungry kaya kailangan ko na kumain para sakanya. I will take my vitamins too para healthy siya paglabas niya.

Napatigil ako sa paglalakad ng makita ko ang anim na taong nasa sala namin ngayon na nakatitig sa tiyan ko. Napalunok ako ng magtama ang paningin namin ni Gray kaya agad akong tumalikod at tinangkang bumalik sa kwarto pero mabilis niyang nahablot ang braso ko.

Her DebtTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon