PAYMENT 36

3.3K 53 0
                                    

Inis akong umirap dito habang ito ay matamang nakatitig lang sakin. Tatayo na sana ako pero agad ako nitong hinila palapit sakanya.

"Ano ba!?"

Sinamaan ko ito ng tingin pero seryoso lang 'tong nakatitig sakin. Kaasar! Simula pagkagising ko ganyan na siya. Nakatingin lang talaga siya sakin.

"Today's holiday," blankong saad nito.

Tinaasan ko ito ng kilay at umayos ng upo. "So?"

Bahagya ko ding winasiwas ang kamay niyang nakahawak sa pulso ko. Pinasadahan ko ng kamay ang buhok ko at umayos ng upo.

"Let's make out," nakangising saad nito.

Nanlaki ang mga mata ko at napalayo sakanya. "Ayoko! Ang aga-aga puro kabastusan naiisip mo!" Sinamaan ko pa 'to ng tingin.

"What? I said let's go out. Anong bastos dun? Baka..." Nakangisi niya ulit saad. "Ikaw ang may gusto."

Namula ako sa sinabi nito. Pero yung pagkakarinig ko talaga. Tsk! Baka kulang pa nga ako sa tulog! Kainis.

I heard him chuckled kaya agad bumalik ang tingin ko dito na mataman ulit akong tinitignan. Kahit naiilang sa klase ng titig niya ay hindi ako nagpadala, hindi pwede.

"You want? It's fine with me then."

Inis akong tumayo at nameywang sa harap niya. "Heh! Kahit ano pa yan ayoko!"

Sa inis ko parang gusto kong kumuha ng gunting at guputin yung damit niya! Este yung leeg niya!

"Come on. Date me, Mindy."

Tinignan ko 'to na prenteng nakaupo sa sofa. Nakadantay pa ang braso niya sa sofa na lalong nagdedepina ng braso niyang bakat na bakat sa suot niyang shirt.

"Stop drooling."

Napailing ako at sinamaan siya ng tingin. "Drooling drooling ka dyan! Hindi kaya!"

Ngumisi lang 'to sakin at sa isang iglap ay nahila na ko nito paupo sa kandungan niya. Napasinghap ako sa bilis niya.

"So? Can you date me now?"

Para akong nahihipnotismo sa nakakatuliro niyang bango. Bakit ganto?

"It's a yes?"

Nakatingin lang ako dito habang nagnanakaw ito ng halik sa pisngi ko. Is it a yes? Yes? Yes!

No! Hindi pwede!

Bahagya kong nilayo ang mukha ko sa kanya. Napatingin ito sakin at ngumiti.

"Where do you wanna go? I heard there's a new restaurant nearby."

Tumikhim ako. "May... may lakad kasi kami ni..."

Umiwas ako ng tingin dito dahil... dahil... aish! Bakit nga ba!? Bakit ba kinakabahan ako ng ganto! Bakit!? Nakakainis na hindi ko sakanya masabi ng tuloy-tuloy!

"Who? Blair? Nanay mo? I can accompany you then?"

Nangilabot ang buong sistema ko ng maramdaman ang haplos niya sa bewang ko. Napatingin ako dito pero agad din umiwas ng tingin.

Her DebtTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon