PAYMENT 34

2.9K 47 1
                                    

Napakagat labi ako habang tinitignan ang cellphone kong walang tigil sa pagriring. Kalaunan ay pinatay ko na lang din 'to. Napahinga na lang ako ng malalim.

Napaangat ang tingin ko ng marinig ang katok mula sa pinto ng opisina ko. Poker face na pumasok ang isang lalaki.

"Come on..." may pagkapormal na pahayag nito.

Bahagya akong ngumiti dito. "Tara."

Nakahanda na din naman ang bag ko kaya nakaalis kami agad. Katahimikan lang ang namagitan saming dalawa hanggang sa makarating kami sa isang bar.

Ang maingay na kapaligitan agad ang sumalubong saamin. Agad ako nitong hinapit sa bewang kaya nagkadikit ang mga balat namin.

"Stay close..." nakakakilabot na bulong nito sa tenga ko.

Bahagya pa ulit akong hinila ni Kaine palapit sakanya. Tila pinoprotektahan ako sa mga taong lasing.

"Hey man! What's up?"

Agad nagman to man hug si Kaine at ang mga kaibigan nito. Sinama niya ko sa lakad nilang magkakaibigan na kakabalik lang galing sa ibang bansa. Kitang-kita ko ang ngiti sa mukha ni Kaine habang nakikipagkamustahan sa mga kaibigan.

"This is Mindy, my girlfriend." sabay hapit nito sa bewang ko.

Matamis akong ngumiti sa kanyang mga kaibigan at nakipagkamayan. Mukha ding may sinasabi ang mga kaibigan ni Kaine dahil sa paraan ng pananamit at postura nila.

Umupo ako sa tabi ni Kaine habang silang magkakaibigan ay abala sa pagkwekwentuhan at pag-iinuman. Sa harap ko ay isang green mango shake dahil pinagbawalan akong uminom ni Kaine. Napairap na lang ako at uminom ng shake ko.

Kahit sobrang lakas na ng musika dito sa bar ay hindi pa rin natatalo ang tinig ng isip ko. Tinig na pilit kong sinasawalang bahala.

Minsan iniisip ko kung okay na ba kami ni Kaine. Kami na ba ulit? Ayos na ba kami? Pero bakit ang cold niya pa rin sakin?

Napatingin ako dito habang masayang nakikipagkwentuhan sa mga kaibigan niya. Ang kamay nito ay nakadantay sa hita ko.

Wala sa loob na napatingin ako sa bag ko kung nasaan ang cellphone ko. Napabuntong hininga na lang ako.

Sa nagtatalo kong katuwiran ay nanalo ang pagbukas ko ulit ng cellphone ko. Pagbukas ko pa lang ay bumungad sakin ang sandamakmak na missed calls. Napakagat labi ako.

"Finally dude! You have the girl!"

Agad akong napalingon sakanila at ngumiti ng plastik ng makitang nakatingin sila sakin.

Tumawa si Kaine. "Yeah. I finally got her."

Tinignan ako ni Kaine na may mabigat na emosyon. Ngumiti ako dito at pinisil ang kamay niyang nakadantay sa hita ko.

Tulala lang ako habang  nagkwekwentuhan sila. Ewan ko kung bakit ganto ako. Parang wala akong gana sa lahat ng bagay at laging balisa.

May bumabagabag ng husto sa kalooban ko.

Naramdaman ko ang pagvibrate ng cellphone ko na agad kong ikinatingin dun.

Gray the fucker calling...

Napabuntong hininga ako at binulungan si Kaine. "Rest room lang ako."

Hindi ko na hinintay ang sagot nito at agad ng nagtungo sa banyo. Pagsagot ko sa cellphone ay malakas na tugtog ang sumalubong sakin.

Her DebtTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon