Kabanata 2

17.3K 360 30
                                    

Bakit?

Bakit hindi niya ako makita?

Nandito ako ngayon sa office niya at mahigit isang oras na akong nakaupo sa sofa! Nagpapapansin. Kulang na lang ay tumambling ako para mapansin niya! Pero hindi na niya talaga ramdam ang presensya ko!

Tumayo ako at lumapit sa harap ng desk office nito. Busy siya sa mga papeles habang kanina pa siya nagbu-buntong hininga o nagmumura!

Iyon lang ata ang kaya niyang gawin. Ang sumama ang loob at magmura.

Base din sa pag-oobserve ko, napakawalang-hiya niya! Aba't kung sino-sino ang sinisigawan! Porket siya ang boss dito? Boss? Paano ba nagkakaroon ng ganitong kalaking kumpanya ang mga kulugo ang ugali?

Isa pa sa problema ko, paano ko 'to papasiyahin? Kung makita niya ako ngayon eh ano naman? Ang pangit ng ugali niya!

Ito ba ang hamon ng langit?

Napasandal siya sa swivel chair at bumuntong hininga. Mukhang napagod din siya kakamura sa wakas!

Ayan sige, mahirapan ka! Ganti manlang 'yan ng langit sa'yo kasi ang baho ng ugali mo! Gawin ba namang hobby ang pagsisante ng empleyado? Tama ba 'yon?

"Damn. .." Bulong niya sabay hawak sa ulo.

Medyo napatitig ako sa lalaki mula sa kinauupuan ko.

Nakatingala kasi ito at kita ko ang matalas niyang panga at proud na ilong. Idagdag pa ang makapal niyang kilay at tila agilang mata kung makatitig sa iba—napakatalas!

I sighed. "Mukhang mukha lang ang maganda sa'yo ha..."

Lugi ata ako—pero hindi pwede! Ayoko pang mamatay! Gusto ko pang mabuhay at malay mo? Kaunting paamo ko lang sa lalaking 'to... Makuha ko na ang kiliti niya?

Tumayo ako at humarap sa gilid niya. Hindi ba talaga ako nakikita nito o nagpapanggap lang siya?

"Kumain ka na, hoy! Magdi-dinner time na ano? Tao ka ba? Di ka pwedeng mamatay!" Sigaw ko sa harap niya at inihampas ang mga kamay ko sa lamesa niya. "Diba, mayaman ka? Mag-utos ka na mag padala ng pagkain mo!"

Hindi 'eh. Base sa ugali niya—kaunting kabog lang ata ng ingay o pagkakamali sisigawan niya. Ang ingay ko na nga dito, pero wala pa rin siyang reaksyon!

"Sir. ..your meeting will start before ten minutes," tumunog ang intercom ng lalaki.

Napamulat si pogi.

"Ah, shit. The meeting. .." Parang nagising siya 'don at umiling. Kinuha niya ang mga papel at tumayo.

"Hoy! Iiwan mo ba ako dito? Kawatan ako hoy!" Sigaw ko dito. Pero no reaction!

Bumagsak ang balikat ko noong tuluyan na siyang nakalabas.

Inilibot ko muna ang tingin sa paligid. His office is sleek. Minimal lang ang gamit at may indoor plants. May malaking bookshelves sa gilid at sofa.

Lumipat ang tingin ko sa desktop niya.

Leandro Marcus Goncielo

Paano mo ako muling makikita? Ang pogi-pogi ng pangalan mo. ..ganon rin naman yung mukha mo. ..pero. . anong nangyari sa ugali mo? Hindi ba nalagyan ni Lord ng magandang ugali?

"Sa una niyong pagkikita ay may hindi ka ginawa. Kaya naputol ang tali ng singsing sa pagitan niyong dalawa."

Narinig ko ang tinig sa aking boses. Kumunot ang noo ko habang nagsi-sink in sakin ang sinasabi ng boses.

"Naputol!?" Umalma ako.

May hindi magandang ginawa kaya naputol!? Kasalanan ko 'bang short tempered siya!?

Taming the Mafia BossWhere stories live. Discover now