Chapter 56

4.8K 115 4
                                    

Ang mga nakaraang araw na pananatili sa sariling bahay ay sadyang nakakapagod. Hindi na ako hinayaan ni Dad na umalis. Hindi niya 'rin hinayaan na may bumisita sa'kin at mahawakan ang sariling telepono.

Napapikit ako. Kamusta na siya? I am really worried about him. Hindi niya sinasabi sa'kin kung anong nangyayari sakanya, ngayong nakumpirma na ng ama 'ko ang tungkol sa'min ni Marcus. ..

I sighed. Bumaba na lang ako ng bahay upang maghanap ng makakain. Nakita ko naman ang isang matandang babae na kumikilos na loob ng kusina.

"Ay, Lady!"

"Manang." Bati ko na lang. "Meron bang makakain diyan?"

"Opo naman."

Ngumiti lang ako. "Ano po?" Dumiretso ako sa fridge. Ang dami pala. Lahat ng iyon ay isa-isa 'kong nilabas.

"Hija. .mukhang pagod ka ha." Aniya. Umupo ako sa stool at nagsimulang kumain. Ilang araw na akong binabagabag ng mga iniisip 'ko. Napapagod na ako. Natatakot.

Tinignan ko si Manang. Kailangan ko ng kausap. Pakiramdam ko ay mababaliw na ako kung hindi ko mailalabas ang nasa isip 'ko ngayon.

"Manang. .." Napatingin ito sa'kin. Nagtatanong ang mga mata nito. "Manang, nagmahal na po kayo?" geez. The answer is obvious. Ngunit kailangan ko muna buksan ang usapan.

"Oo naman hija. .." Tawa niya. "Tuwing may nagtatanong sa'kin niyan, hindi ang asawa 'ko ang aking naiisip. .."

Napanganga ako. "Po?"

She chuckled. "Meron akong unang pag-ibig. First love, hija. Siya ang naiisip 'ko pag tinatanong sa'kin 'yan."

"Hindi po ba unfair sa asawa niyo iyon?"

"Matalik na kaibigan ko ang aking asawa. Mahal ko 'rin siya. Kaming dalawa ang nagsama para hindi ako mapalayas sa bahay namin."

Kumunot ang noo 'ko.

"Nabuntis ako sa unang pag-ibig ko." Then she started to look dreamy. Like remembering something. "Lahat ay maayos na. Ikakasal kami. Ngunit ang pamilya namin ay dinidiktahan kung ano ang dapat naming gawin kung kami ay magiging mag-asawa. Napuno ng alalahanin ang katawan 'ko."

Hindi 'ko alam kung ano ang nangyayari. Nakita ko na lang ngayon na. ..siya na ang nag-kkwento. I can't help but to feel interested with the story.

"Babae ako, maraming gusto responsibilidad na ipatong sa balikat ang aking biyenan. Ganon din sa kasintahan ko. Simula noon ay lagi kaming nag-aaway."

"Sorry po. .."

"Hindi hija. Ano ka 'ba? Matapos noon ay nakunan ako. Okay lang sa nobyo 'ko. Humingi kami ng tawad sa isa't-isa. Pero sa pamilya nito ay hindi. Nagpaparinig sila. Na iresponsable ako. Halos mapuno ang katawan ko ng aalahanin. Iyon na lang ang iniisip 'ko. Kaya't nagdesisyon ako na hiwalayan siya. .."

Bakit? Kung mahal nito ng tunay ang lalaki, hindi niya iyon pakakawalan. Ipaglalaban niya iyon. Dapat ay hindi niya pakinggan ang mga naririnig sa paligid. What happened?

"Hiniwalayan ko siya kasi ang pagmamahal na nabuo ko para sakanya ay unti-unting sinisira ng sitwasyon na mayroon kami. .."

Then it hit me.

"Lagi akong nakakaramdam ng kulang, hindi sapat, hindi na masaya at iba pa. ..kasi iyong sitwasyon na mayroon kami ay sinisira ang pag-ibig namin para sa isa't-isa. ..Parehas kaming malungkot at nag-aaway. Pero mag-aayos din. ..Kaya't nakipaghiwalay ako."

Tama siya. ..Tama.

"Hindi iyon naintindihan ni Frenand. Kung mahal ko daw siya, bakit ako sumusuko. Pinaliwanag ko na mamahalin ko pa rin siya, ngunit bilang mag-nobyo muna. Hindi iyong magkasintahan na ikakasal na."

Taming the Mafia BossWhere stories live. Discover now