Chapter 50

5.9K 122 4
                                    

"Baby. .." May bumubulong sa pisngi ko. Nuba, Marcus!

"Inaantok pa ako. .." Sinubsob ko ang aking mukha sa unan. "Wala kang work ngayon?" I asked him.

"Meron. Papaalam nga ako sayo. Sleep well. Hmm?"

Hindi ko na siya sinagot, sa halip, napangisi ako. That was so sweet. Lakas naman namin makapang-asawa ang drama 'no?

Nagising ako ng tanghali na. 2PM iyon. Naalala ko tuloy iyong nangyari samin kagabi. Nakakapagod rin maglakad at maghanap ng gas 'no! Dagdag mo pa iyong sineseduce ako ng baby ko. Tsk!

"Morning Ma'am!" Salubong sakin ni Mang Karding.

"Hi!"

"Ayos, Ma'am ah. Mukhang kakagising lang."

"Oo 'eh. Napagod po kasi ako kagabi." I shyly smiled.

Nanlaki ang mata ng matanda. "Haru jusko?! Napagod ka kamo hija kagabi?!"

Kumunot naman ang noo ko sa biglaang pag-hysterical ni Mang Karding. Minsan talaga, weird siya.

"Opo." Pilit akong napangisi. Lalong nanlaki ang mga mata nito at kulang na lang ay mangisay sa sahig. "Okay lang po ba kayo?"

"Tanda!"  May sumigaw. "Ikaw! Kung anong iniisip mong uugod-ugod ka!" Hinila ng asawa ni Mang Karding ang tenga niya.

"Aray! Mahal!"

"Pag pasensyahan mo na ang matandang 'to hija. Siya nga pala, pumunta ka ng kusina at kumain na. Iyon ang habilin ni Master bago siya umalis." At hinila niya ang matanda.

Aww. Sweet.

Hindi ko muna sinunod ang utos ni Manang. Sa halip ay nag-ayos muna ako sa kwarto-- Uhm.

"Sino po kayo?" Paglabas ko kasi ng CR ay may babaeng sumalubong sakin. Mukha naman siyang mapagkakatiwalaan kaya, hindi na ako nag-hysterical!

Sa halip na sagutin ako, ay hinila niya ako at pinaupo sa harap ng salamin, at sinimulang ayusan.

"Okay. ..?"

"Wag po kayo magulo, Ma'am."

Hmpf. Si Marcus na naman 'ata ang nag-utos nito! Tinali niya lang ang buhok ko into a cute messy bun at nilagyan ng kaunting make-up. Ayoko magtanong kasi ang sungit ni Make up girl.

Ilang oras rin niya ako inayusan. Ang tagal kasi noong buhok. Akala ko simpleng bun lang, iyon pala, may sinabit-sabit pa siyang kulay pula na rosas. Ang ganda ko na lalo!

I smiled with that thought. Hangin!

"Suotin niyo po 'to." Abot sakin ng babae na isang free-flow maroon dress.  "Pumunta po kayo sa kusina pagkatapos, Ma'am. Kumain na po kayo."

"Okay?" Sinunod ko lang siya. Pagkalabas ko ng CR, wala na ang ate.

"Luh. Saan na 'yon?" I want to think na multo ang babae, kaya lang, nandito pa rin ang make up at suot kong dress.

Creepy.

Pagdating ko sa kusina, walang tao. Well, kanina pa walang tao ah. Nasaan na ang mga nagbabantay dito? Weird.

Binuksan ko ang platong nakataob na nag-iisa lang sa malaking lamesa. "Nasaan kaya ang mga bantay. .."

Kumunot ang noo ko sa'king nakita.

I am in great danger
m r c s g n c l
Pls go to my room

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa nabasa ko. Halo-halo. Takot, kaba. Marcus, nasaan ka? Bitbit ang papel na nakita ko sa ilalim ng plato, nagtatatakbo ako sa kwarto.

Taming the Mafia BossWhere stories live. Discover now