Chapter 14

12.1K 317 11
                                    

Ilang oras na 'ata akong naglalakad-lakad sa lobby. Actually, kanina pa ako dito at mukhang naikot ko na ang buong lobby. I pout. Babalikan niya pa ba ako? Mukhang nag-enjoy na siya sa asawa niya.

Luminga-linga ako sa paligid. Aba, kung hindi niya ako babalikan dito, ako na lang ang aakyat. Nagtungo ako patungong elevator at tinagusan ang mga tao para magtungo sa dulo ng parte ng elevator. Mamaya ko na lang pipindutin ang buton kung saan ako patutungo.

Bawat palapag na dinadaanan ng elevator ay may bumababa. At ng wala ng tao ay nakahinga ako ng maluwag. Pinindot ko na ang presidential button at nanatiling nasa gilid ng elevator. Kumunot ang noo ko ng tumigil ang elevator sa 45th floor. May sasakay pa pala? Kasi simula ng makarating ako sa 30th floor 'eh wala na talagang sumasakay.

May lalaking pumasok. Naka-tuxedo ito at sa baba 'eh naka-jeans. Bagay na bagay ito sa napaka-manly niyang mukha. Syempre, ang lakas ng loob kong titigan siya, hindi naman niya ako nakikita 'eh.

Malambing ang mukha nito. Malambot ang features. So angelic. Unlike Marcus, matutunaw ka dahil parang sinusunog ka nito sakanyang galit na katauhan.. .pero mas-- aish! Ano ba? Bakit ko ba sila pinagkukumpara? Hindi ba halatang mas pogi si Marcus--napabuntong hininga na lang ako. Puro ka Marcus, Elicia.

Nag-iwas na ako ng tingin at hinintay na makarating sa 'P' floor. Kumunot ang noo ko ng pindutin ng lalaki ang 49th floor. Aba, hindi na lang siya tumuloy sa taas?

"Medyo nakakairita kung bawat galaw mo ay tinitignan." Sabi nito na ikinalaki ng mga mata ko. "But kung ganyan ka kaganda, okay then. I'll forgive you."

Napanganga ako at naituro ang aking sarili. Ako ba kausap niya?!

He giggled at kumunot ang noo nito. "Yes. Sino pa ba?" Iling niya habang may ngiti sa labi.

"P-Paano. ..?" mo ako nakikita?! Ang gulo! Akala ko ba si Marcus lang ang makakakita sa akin? Anong nangyayari? Bakit niya ako nakikita?

"What's your name?" Tanong niya.

"Elicia. .." Wala sa sariling sagot ko.

"Elicia? A pleasure to meet you. I'm Gregorio Xio Gabriel. Greg for short." He smiled. Feeling ko nalaglag ang panty ko sa ngiti niya.

Nahihiya naman akong tumango. "Nice to meet you 'din. .." Paano niya ako nakikita?

"So, where you going?" Tanong nito at itinuon ang tingin sa pindutan ng elevator. Mukhang nagulat pa ito ng makita ang 'P' na umiilaw, sign na may pumindot nito. "So. ..sa presidential suite?"

Wala sa sariling tumango ako.

Tumaas ang kilay nito at nginitian ako. "So, what is in between you and Mister Goncielo?" Pogi nga, chismoso naman.

"Uhh. ..w-wala."

"Really?" Medyo kumunot na ang aking noo. Masyado siyang matanong. Ang relasyon lang naman talaga namin ni Marcus ay wala. "Oh, sorry. I didn't mean to offend you, I mean, uhm. ..you're gorgeous so here I am, asking you some silly questions to get some details because seriously? I want you."

Napanganga naman ako. Hindi dahil sa mga sinasabi niya. Kundi sa bilis nitong bigkasin ang kanyang mga salita. Ano daw?!

Pero sa sinabi niya, kung hindi ako nagkakamali, interesado ang gwapitong ito sakin? Oh. ..my. .gosh.

He giggled then the elevator stopped. "Bye. This is not the last, my lady." Mabilis itong nagtungo palabas ng elevator leaving me na nakanganga.

What was that? My lady? Ewan ko pero feeling ko mas na-offend ako nung tinawag niya akong 'my lady' only Marcus call me that.

Medyo nag-init yung kamay ko at nang itaas ko ito ay nataranta ako. Bakit umiilaw 'to?! Ito 'yong ilaw katulad kay Marcus, nung una ko siyang makita!

Bakit umiilaw 'to? Wag mo sabihing may bago na namang napili--what?!

Akala ko ba, isang tao lang ang papasayahin ko? Bakit dumating si Greg? At nakita niya ako! At umilaw ang singsing! Kagaya ni Marcus nung una naming pagkikita! Anong nangyayari!

The elevator open kaya nagdire-diretso ako sa office ni Marcus na naguguluhan pa rin. Tama, baka naman nakikita na ako ng lahat? Iyon 'yon siguro.

"Wala namang tao, Sweety. ..Bakit bumukas yung elevator? Hmm. ..Nakakatakot naman!" Napatigil ako sa paglalakad at nawala lahat ang iniisip ko kanina ng makarinig ako ng maliit na boses.

Boses na galing sa lupa!

Pero teka. ..galing ako sa elevator! Ibig sabihin, hindi ako nakikita ng babaeng 'to? Eh paano si Greg? Ano?!

Dalawa sila ni Marcus na pasisiyahin ko? This is can't be! Maloloka na ako sa aking misyon! Akala ko ba, the chosen one lang?! Bakit dalawa?

"Pumili ka hija. .."

Natigilan naman ako sa boses na narinig ko mula sa aking ulo. Napayuko ako at napakagat ng labi.

"Pumunta ka sa kwarto, Veira."

"Sa hindi malamang dahilan, may nagtulak sa singsing para gawin 'ding kasangkapan si Gregorio para ika'y muling mabuhay."

Lalong tumigil ang mundo ko dahil sa tinig na 'yon. Pinili?

"Pero, Sweety naman! Ayoko pang pumunta ng kama! Kung gusto mo, samahan mo ako!"

"At si Marcus, pinili lamang ng singsing at sumang-ayon ang iyong damdamin. Samantalang si Greg, ay galing sa iyong kalooban. .."

Nanlabo ang aking paningin dahi sa aking naririnig. Ano?

"K-Kilala ko ba si G-Greg dati?" Piping bulong ko. Nanghihina ako. Dahil alam ko na ang nangyayari sakin.

"Ngayon, hija, pagkakataon mo na para pumili. Ayaw mo kay Marcus hindi ba? Makakawala ka sakanya kung sasama ka kay Greg ngayon, dahil isa rin siya sa mga gusto ng singsing."

Pumili? May malaking bagay sa kalooban ko na nagsasabing piliin ko si Greg. ..pero si Marcus. ..hindi ko siya kayang ipagpalit kasi gagawin ko yung plano ko sakanyang pag suplong sa mga pulis.. .at ayoko rin.

Pero may malaking bagay na nagtutulak sakin na piliin si Greg. Pag si Greg ang kasama ko na mukhang masiyahin ay mapapadali ang misyon ko. At pag nangyari iyon ay mabubuhay ako at magagawa ko na ang plano ko laban kay Marcus. ..

Dahil pag nabuhay ako, hindi lang naman buhay ko ang maililigtas, pati na rin ang buhay ng mga alipin at mga babaeng pinaglalaruan nila.

Pero kailangan kong makalayo at sumama na lang kay Greg kung ganon.

And that breaks a little.

"What the hell are you doing here?!" May humawak sa braso ko at hinila ako sa gilid ng silid. Doon nagising ang diwa ko.

Nag-angat ako ng tingin. Kita ko ang gulat sa mga mata nito. "Why the hell. ..are you crying?" Masuyo nitong hinawakan ang pisngi ko at pinunasan.

Madiin kong pinagdampi ang aking labi at pinikit ang aking mga mata.

Kaya ko ba talaga siyang ipagpalit?

Taming the Mafia BossWo Geschichten leben. Entdecke jetzt