Chapter 19

13K 319 8
                                    

Bumalik na naman kami dito sa nakakatakot niyang lugar. Kailan ko ba matatakasan ang lugar na 'to?

Takas? Ba'ka nga hindi ko rin kaya gawin 'yon dahil sa iisang dahilan kung bakit ako naparito.

"So you're a mafia boss?" I break the ice. Nakahinto lang ang kotse nito sa tapat ng gusali. Ang mga armadong lalaki sa labas ay matalim na nakatingin sa kotse niya. Parang alarma sila dahil kanina pa hindi bumababa ang kanilang boss.

"Yeah." Napalingon ako sakanya dahil sa sagot nito.

I smiled. "Bakit hindi ka pa bumaba? Mamaya nyan ay paulanan tayo ng bala pag hindi ka bumaba. Sige ka." Tawa ko.

Pero nanatiling walang reaksyon ang mukha nito at 'tila tinatansya ang reaksyon ko. I felt a lump on my throat for that kaya napatigil ako sa paghagikgik at napalunok.

"Let's go." Tuluyan na sana siyang baba pero bigla siyang napatigil dahil sa paghawak ko sa balikat niya.

"Maybe I am really a damsel in distress. Maybe I am a burden for you. Marcus.. .I am scared."

Natatakot na ako. I thought he is just a mad man who do illegal things. Pero mali ako. Mafia Boss. ..hindi lang simpleng makasalanan kundi mafia boss! How can I manage to be with him all the time kung nasa peligro palagi ang buhay ko?! Noong hindi ko pa alam na isa siyang mafia boss. ..I was really scared for what he do. ..pero ngayon? A Mafia boss? I am scared now to him. ..to Marcus.

Bigla siyang natawa kaya nagising ang diwa ko. His eyes were cold. ..dead. A waves of emotions are swiftly crossing into it but he's trying to put a cold facade to his dark eyes. "You. .are you scared?" May ngisi sa labi nito habang nakatanaw sa labas.

"Yes." Nag-iwas ako ng tingin. I don't want to see his eyes that might melt all my reasons for me to be scared over him.

Natatakot na ako Marcus. I really thought I know you too well. Pero ngayon? I want to stay then suddenly, magbibigay ka ng rason for me to left you behind. Ang daming rason para iwan ka at piliin ang isa 'pang napili ng singsing para iligtas ako.

But I just. ..can't leave you.

He smiled. "Don't worry. ..I won't hurt you. ..ilang beses na kita pinagtanggol--" nanlaki ang mga mata ko ng maalala kung bakit kami narito!

"Marcus! Bumaba na tayo! May mga sugat ka!" Agad akong bumaba ng sasakyan at laking gulat ko ng itutok sa akin ng mga lalaking armado ang nguso ng kanilang baril.

They. ..now see me. ..paano? Isa pa 'yang misteryo ko ngayong gabi!

"Stop!" Ngayon ko lang napansin na napatigil ako sa paghinga! Kung hindi lang sumigaw si Marcus ay hindi ko nagising ang aking sarili dahil sa kaba. "Ibaba niyo 'yan!" Madiing utos ni Marcus.

Dahan-dahan naman nilang ibinababa ang kanilang naglalakihang armas.

"Boss." Napalingon ako sa tinig ni Verix. Pinasadahan niya muna ako ng tingin mula ulo hanggang paa pero natigil ito ng tumikhim si Marcus.

"What do you want?" Pormal na tanong ng katabi kong lalaki. Tinapunan muna ako ni Verix ng masamang tingin kaya napayuko na ako.

"Uhm. ..kailangan mo ng gamutin ang mga galos mo, Boss." Malayo sa masaya at palabirong Verix na tinig ang narinig ko ngayon mula sakanya.

"Ihahatid ko muna si Elicia sa kwarto." Aniya. Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi niya at tuluyang inangat ang aking ulo.

"Hindi na kailangan, Marcus. Kailangan 'mong mag pagaling." Iling ko.

"What?"

"Marcus?"

Sabay na bigkas nila na puno ng pagtataka. Nakaramdam na ako ng hiya at hindi na ako mapakali sa harap nila. I just suddenly want to run away from them.

Taming the Mafia BossWhere stories live. Discover now