Chapter 47

5.1K 104 0
                                    

Agad akong napalingon sa taong humawak sa'king braso. Nakita ko ang lungkot at takot na nag-uumapaw sa mga mata nito.

"I'm sorry. .." Tinignan ko ang kamay niya na nakalapat sa'king braso.

Galing sa pagpatay. Masama siya. Pero masama bang sabihin ko na gusto ko ang pakiramdam na hawak ako nito? Bakit parang tama lang na ganito?

"Galing ka sa pagpatay. .." Tumulo ang luha sa'king pisngi. Hindi ko alam kung para sa takot iyon o panghihinayang dahil siya ay nakapatay. Dahil mali ang ginawa niya.

Tila napaso siya at agad na tinanggal ang kamay nito sa braso ko. "I'm sorry if I touch you with my dirty hands. .." Aniya at itinago ang kamay nito sakanyang bulsa.

Hindi iyon ang ibig kong sabihin, ngunit hinayaan ko na lang.

"Hindi mo dapat nakita 'yon." Ngayon, hindi na ito makatingin sakin.

Agad akong tumango. "Dapat nga."

At doon niya sinalubong ang aking mga mata. Nakikita ko ang takot dito. Bakit ganon? Ako dapat ang matakot, pero bakit siya?

Ano bang kinakakatakutan mo, Marcus?

"Do you hate me?"

Tila nasaktan ako sa tanong nito. Hindi ko alam kung bakit pero may kumislot sa kalamnan ko. At. ..bakit niya ba tinatanong iyan?

Kahit nasaksihan ko kung gaano siya karahas. ..Hindi ko magawang magtanim ng sama ng loob sakanya. Mas nasasaktan ako sa naisip kong iyon. Bakit hindi ko magawang magalit sakanya? Ano bang nangyayari sakin?

Mali itong nararamdaman ko. Mali na balewalain ko ang pagpatay niya dahil nalusaw lang sakanyang titig. Mali na nasira niya ang tuwid kong pananaw sa buhay.. .

Nabalik ang atensyon ko sakanya ng humalakhak ito. "Don't answer. Alam ko naman." Tinalikuran ako nito. Pero agad din siyang suminghap at humarap sakin.

"Kailangan mo magpahinga. .."

Mabilis ako nitong binuhat. Tahimik akong nagpatianod. Kita ko mula dito sakanyang bisig ang angking ka-gwapuhan niya. Ba't ganoon? Hindi ka naman mukhang Mafia boss na nasa TV? Masyado kang gwapo! Napatawa ako sa'king naisip.

Kita ko ang pagkunot ng noo nito. "Are you listening?"

Nagsalubong ang aking kilay. "May sinasabi ka?"

Suminghap siya. "Fine. Magpagaling ka." Ibinaba ako nito saking kama. Inabot nito ang aking phone. "Hindi ka uuwi na ganyan ang itsura. Magpagaling ka dito. ..I trust you not to call anyone except from your bodyguards. Tell them that you're with Avy or Krish, safe and sound." Utos nito.

Nasa tapat na siya ng pinto ng magsalita ako.

Napanguso ako. "Paano kung tumawag ako ng pulis?"

"You what?" Kumunot ang noo nito.

"Tatawag ako ng pulis."

Mabilis itong lumapit sa'kin. Inagaw nito ang telepono ko at nag dial ng numero. Tumabi ito sakin at hinawakan ang beywang ko.

Taming the Mafia BossWhere stories live. Discover now