Chapter 53

4.6K 132 0
                                    

Hi guys, maraming nag-aabang ng kasunod nito. Medyo nahihirapan ako kasi dati ko pa 'to naisulat. 2017? Hahaha. Enjoy reading!

VOTE.COMMENT.

Love you all guys! Di ko aakalain na nag-rank tayo hanggang number 1 sa fantasy! Thank you!

-------

Tahimik kami na kumakain ni Greg sa isang restaurant. I don't know why we are here. Biglaan na lang niya akong tinawagan at sinabing mag-ayos dahil kakain kami sa labas.

Tanging ang musika lang ang namayani sa'ming dalawa. Hindi ko siya matignan. I am his fiancé. Yet, I am doing something fishy sa loob pa mismo ng pamamahay naming dalawa.

"Let's talk about the wedding." Panimula niya. Matamlay ito. Tila pagod na. Napakagat ako ng labi bago umiling.

He sighed.

"Don't you want to talk about it?" Sumandal siya sakanyang upuan at nag-angat ng tingin.

Napakagat ako ng labi. I felt like crying. All my life, walang ginawa si Greg na alam niyang ikakasakit ko. Now, nandito siya sa harap ko--broken.

"Sorry, Greg." Doon nagsimulang tumulo ang luha ko.

"What? That's fine." Tumuwid ito ng upo. "I understand. Let's talk about that next time. For now, eat. You must be hungry--"

"Greg. .." Doon ako umiyak.

"Why are you crying?" Pinaglaruan nito ang pagkain niya. "Anong karapatan mong umiyak?"

Natigilan ako sa sinabi nito.

"Ang sakit-sakit. Akala mo ba hindi ko alam ang pinaggagagawa niyo? Sa sarili kong bahay? Sa sarili kong karibal?"

"I'm sorry. .." Iling ko dito.

"No. I'm sorry. Kulang 'ata ang pagmamahal ko sayo."

Mabilis akong umiling. Pinipigilan ang paghagugol.

"Kung ganon, ano? Lumiere. Wala akong ginawa kung hindi ang mahalin ka. Sinaktan ba kita? Pinagbawalan ba kita? Hindi ba kita naalagaan? Ano 'bang mali?"

"N-No! No! I'm sorry. ..Pero mahal na mahal ko si Marcus. .."

"Saan ako nagkulang?"

"Wala. ..Hindi ka nagkulang. Please. I'm sorry. .."

"I'm sorry too. Pero iyong lalaking minamahal mo, kulang pa ang kamatayan bilang parusa niya." aniya na lalong nakapagpanginig sakin.

"No. ..Please. .."

"Tingin mo, hahayaan ka nila Tita? Namuhay nga kayo ng normal sa Pilipinas to the point na parang wala lang kayo sa mundo. Pero ang imahe ng pamilya niyo. .."

"G-Greg. .."

"Mahirap pag kayong dalawa. Ang mahal mo, may kasalanan sa batas at diyos."

"But he's a good man! Please. .."

"Tingin mo mabubuhay ka sakanya? Mabubuhay ka ba sa araw-araw na ginawa ng Diyos na kinakabahan ka, iniisip kung buhay pa siya?"

Natahimik ako sa sinabi nito. Namumula na ang mga mata nito at mariin siyang pumikit. Napakagat ako ng labi.

"Pero mahal ko siya. .."

"Are you even thinking, Lumiere?! Mahal mo? May magagawa ba iyan?!" Pagak na tumawa ito at tumingin sa bintana. "Walang magagawa ang pagmamahal, Lumi. Tignan mo ang ginawa sakin." Tawa pa niya.

"Greg, I am sorry. ..Siya. ..talaga."

I am not even thinking what to tell him. I am irrational right now. Hindi ako makapag-isip ng tama dahil lahat ng sinasabi ni Greg ay totoo. At lahat ng katotohanang iyon ay tila hindi tanggap ng puso at utak ko.

Taming the Mafia BossWhere stories live. Discover now