Chapter 21

12K 260 8
                                    

"Hmm. .." napatingin ako kay Greg habang hinihintay ang kanyang reaksyon sa ginawa kong chocolate cake. "Masarap. As I expected." He chuckled bago tuluyang kumain.

Marcus never told me na masarap ang ginagawa 'kong strawberry cheesecake though alam ko namang. ..nagugustuhan niya ang ginagawa ko.

Napangiti ako dahil sa naisip 'kong iyon. Siya pa rin ang hinahanap ng singsing ko kahit sinabihan ko ito na si Greg ang sana'y tumuloy sa aking misyon. Napatingin ako sa transparent kong singsing. Walang kahit anong lamang buhangin ito.

Si Marcus talaga ang gusto nito.

Napaigtad ako ng hawakan ni Greg ang aking kamay. "Lalim 'ah." Aniya.

Marahan akong ngumiti dito. "Wala lang." Tumaas ang dalawang kilay nito at 'tila hindi naniwala sa sinabi ko. Napanguso tuloy ako. Masyado kung mag-observe 'to si Greg. Tila kilala na nito ang aking kilos at gawi. Parang kilala niya na agad ako kahit limang buwan pa lang ang nakalipas ng magka-kilala kami.

"Kuya mo na naman ba ang iniisip mo?"  His eyes softened. "Kung gusto mo bumalik, sabihin mo lang sakin. Sasamahan kita." He winked at me.

Tuwing lumilipad ang isip ko'y sinasabi ko eh naiisip ko ang aking kuya. ..kahit si Marcus naman talaga ito. Napalunok ako at napaiwas muli ng tingin kay Greg. Siya ang kasama ko, he is loving me and I really felt so nostalgic. ..tila may nauulit o mali sa nangyayari ngayong may nararamdaman sa akin si Greg. ..

I really do felt in love with Greg. Parang. ..kasi 'yon ang aking nararamdaman. Pero tuwing sumasagi sa isip ko si Marcus at ang aking misyon ay nagugulo ang aking sistema! Tama pa ba 'to? Talaga bang may nararamdaman ako kay Greg o nadadala lang ako?

Pero kung nadadala ako. .dapat hindi ako naguguluhan.

Napatili ako bago isubsob ang aking mukha sa unan. Mahal ko si Greg. Iyon talaga ang nararamdaman ko sakanya. Pero parang. ..mali. May mali talaga.

Napabangon ako at muling nilibot ang tingin sa aking kwarto. Pakiramdam ko'y may nakatingin na naman sakin. It's been four months since I felt this.

Yung parang laging may nakatingin sakin. Napabuntong hininga ako bago lamunin ng antok.

Medyo napaigtad ako dahil sa sikip na nararamdaman ko. I groaned dahil sa init na nasa likod ko. Lalo ko pang isiniksik ang sarili ko sa dingding ng kama ko. Pero tila hinigop ako ng pader at lalo akong napadiin 'don. I just moaned with it. Inaantok pa 'ko.

The next morning, ako na ang nagluto ng almusal. As usual, pancakes and chocolate drink. Ang maganda kay Greg, kung anong i-hain mo ay iyon ang kakainin niya. Pero sigurado akong pag si Marcus 'yon? Panigurado ay mag-iinarte 'yon.

Hay. ..

"Good morning!"

"Greg!" Agad kong tinapik ang mga kamay niya na nakapulupot sa beywang ko mula sa aking likod. Greg and his hugs.

He chuckled then hug me tight even more before he let go of me.

Nasanay na ako sa kakayakap niya. Noong unang niyakap niya ako'y. ..felt so nostalgic. Parang may mali talaga. ..argh. Ito na naman ako. ..naguguluhan. Isang araw ay mahal ko siya tapos maya't-maya'y parang mali. Parang may kulang. Hindi ko alam kung ano. ..pero basta. Argh.

"Gusto mo 'bang lumabas tayo?" Aya ulit ni Greg. Agad akong umiling at ngumisi. He pouted. "Come on! Almost six months ka na dito sa'kin pero di ka pa lumalabas ng bahay ko. Baka mamaya ay matuluyan ka dito. Sige ka." He stuck his tongue out.

Agad akong tumawa. "Hindi. Ayoko talagang lumabas."

"Date tayo?"

Agad akong umilng at nginisian siya. He is so cute when he is trying to put me out of the house.

Taming the Mafia BossWhere stories live. Discover now