Chapter 46

5.1K 111 1
                                    

Napasigaw ako bago bumalikwas ng bangon. Napuno ng luha ang aking mata at pilit kong isiniksik ang aking sarili sa gilid.

"Tama na! Ayoko! Please! Tama na!"

"Lumiere!"

Hahawakan niya ako! "Lumayo ka sa'kin! Lumayo ka! Please! Please!" Napapikit ako. Sasampalin niya ako! "Wag. ..mo akong saktan. ..please. .." Nanghihinang tinabig ko ang kanyang kamay.

"Lumiere. ..This is Marcus."

Napaangat ako ng tingin. Totoo ba 'to? Si Marcus na ang kasama ko? Lumapit siya sa'kin at hinaplos ang aking pisngi.

"You're already safe. ..here, with me." Aniya habang patuloy niyang pinupunasan ang luha na dumadaloy sa'king pisngi.

Marahan kong inangat ang aking kamay para abutin ang kanyang pisngi. "Marcus. .."

He smiled. Mapungay ang mga mata nito na tila pinapakalma ako.

Tumango-tango siya. "Yeah. Marcus is here." He winked. Lalo ang naluha at sinugod siya ng yakap.

"Marcus! Inaaway nila ako! A-Ayoko! Ayoko. Please. Ayoko sakanila!"

"M-May mga sugat ka pa. ..Don't move." Nilalayo ako nito sakanya pero hindi ako bumitaw.

"Marcus. ..masakit. ..Ang sakit sakit ng ginawa nila." I sobbed. "Marcus. ..binaril nila ako. .. Nabaril na naman ako. .." Sumbong ko sakanya.

"Shh. .." Naramdaman kong niyakap niya ako pabalik. "They will pay for what they have done. Just. ..don't cry. .." Paos na wika nito.

Umiyak lang ako hanggang sa mapagod ang aking mata. Hanggang sa tumigil ang aking luha. Pero. ..Pero tuwing naalala ko na muntik na akong magahasa ay napapahagulgol ako.

"T-They almost rape me! H-He almost. .."

Marahas siyang lumayo sakin. Magkasalubong ang kilay nito at nagtatagis ang mga bagang. "He what?!" His voice roared all over the room.

Iyong lalaki. ..Galit siya? Galit si Marcus! Pwede niya 'rin akong patayin! Agad kong isiniksik ang aking sarili at umiyak. Ayoko na dito. Mommy. ..Daddy! Kuya! Save me!

"Lumayo ka!" Agad akong yumuko. Ayoko dito. Hinawakan nito ang aking kamay kaya tinabig ko ito. "G-Galit ka! I don't want you here! Stay away from me!"

"Lumiere. ..This is Marcus. And Marcus won't hurt you. .." Inabot niya ang aking kamay. ..Inangat ko ang aking tingin at mapupungay na mata ang sumalubong sakin.

"P-Pero. ..bakit ka nakasigaw?"

"I am mad to those people who did this to you. .." Hinawakan nito ang gilid ng aking labi. "I am going to kill them. .." Marahan niyang wika bago inayos ang aking buhok.

"M-Marcus. .." Napaluha ako. Natatakot ako. May mga boses sa isip ko. Halakhak. Ang mga nangyari sakin. ..

"Shh. ..It won't happen again, alright? You're with me. And I am with you." Hinalikan nito ang likod ng aking palad. Ang mga mata nito'y nanatiling nakatingin sakin. Kahit tila isang madilim at mapanganib na gubat ang kanyang tingin, hindi ko pa rin maiwasan titigan ito dahil sa kabila ng madilim na gubat isang buwan ang nagniningning sa mata niya.

Inilapit nito ang kanyang mukha sa'kin. "Where does it hurts? My Mom thought me how to remove the pain in an instant."

Tumulo ang aking luha pero ako'y napangiti. Agad siyang tumawa at pinunasan ang aking luha. "Such a cry baby.. .So saan masakit?"

Tinuro ng magkabilang daliri ko ang aking pisngi. Nagulat ako ng halikan niya ang magkibila 'non.

"What are you doing?!" I hissed.

Taming the Mafia BossWhere stories live. Discover now