Chapter 12

13.5K 343 3
                                    

Tahimik lang akong nakaupo sa kama ni Marcus, habang siya nama'y nagt-trabaho sa table niya. Mukhang lagi siyang nagt-trabaho, puro trabaho 'ata ang inaasikaso niya.

"Kumain ka na ba?" Napaangat ang tingin nito mula sa mga binabasa niya. Agad siyang umiling at ibinalik ang tingin sa trabaho niya.

Tinignan ko ang orasan at kita kong 9AM na. "Magluluto ako ng breakfast." Tumayo ako mula sa pagkakaupo. Brunch na nga 'ata tong gagawin ko. Pero hindi ako magluluto. Baka mag-bake lang ng cookies. The last time kasi na hinalughog ko ang reft niya ay puro pang bake stuffs.

"Marunong ka magluto?" Tinaasan ako nito ng kilay. Agad akong umiling. Nagsalubong naman ang kilay nito at mukhang sisigawan na naman ako kaya inunahan ko na.

"But I can bake!" Agap ko. Tinikom naman niya ang kanyang labi at tinaasan ako ng kilay.

"You can?"

Tumango ako na may ngiti sa labi. "Oo naman!"

Tinignan niya ako na parang hindi siya makapaniwala at mukhang nagdadalawang isip siya sakin kaya naman nakipagtitigan ako sakanya.

Pero sa huli, ako ang nanalo! He sigh at tumango.

"Fine. ..just don't try to escape milady." Seryosong sambit niya.

"D-Don't worry. ..I w-won't. Kailangan pa kita para mabuhay ako." Sabi ko. Kita ko ang pagdilim ng mukha nito kaya napaiwas ako ng tingin. Ba't ang bilis magbago ng mood niya? Bipolar!

I fake a cough para sana mapansin niya na hindi ako komportable sa titig niya, pero sa halip na tigilan ang titig sakin ay he just tilt his head.

"May sakit ka?"

I secretly rolled my eyes.

"Baba na ako." Pinihit ko ang aking katawan para bumaba na.

"Remember, don't try honey."

At tuluyan na akong nakaalis sa kwarto! Pakiramdam ko ay nakahinga ako ng maluwag dahil sa nakaalis na ako sa kwartong 'yon! God!

Hindi naman akong pwede umalis. It is either I die or bare with him, o ayawan siya ng singsing ko na hindi ko alam kung kailan! Kaya kailangan ko siya pagtiisan. At pag nabuhay ako, isusumbong ko sila sa mga opisyal.

Napatigil ako sa ginagawa ko. Tama, kailangan ko mabuhay, hindi lang para sa sarili ko kundi para sa mga babaeng kinulong at mukhang ibebenta nila! Kailangan ko mabuhay para sa mga kawawang babae. At hanggang maari, kailangan ko magmasid para mas marami akong mailabas tungkol sakanya.

Tama. Kailangan ko muna siya pakisamahan. Kailangan ko siyang pasiyahin. Mukhang hindi naman niya ako sasaktan. ..

Sana.

Umakyat ako sa kwarto bitbit ang isang baso ng gatas at cereal cookies. Isa sa mga na-obserbahan ko ay gusto ni Marcus ng matatamis, hindi lang halata pero yung reft niya ay napuno 'ata ng sweet stuffs. Specially strawberries. ..

"Kain na!" Masiglang sambit ko ng buksan ang pintuan. Nakita ko na nasa bungad siya nito kaya nawala ang ngiti ko. "Oh, saan ka pupunta?" Para kasing ready na siya umalis.

He sigh at itinapon ang sarili sa kama. "Nothing. .." Iling niya.

Napatango naman ako. "Oh ito." Inilapag ko sa side table ang bitbit ko. Kita ko ang pagkunot ang noo niya habang tinitignan ang pagkain.

"Nasaan ang sakin?" Takang tanong niya.

"Iyan na 'yon!" Turo ko sa pagkain. Napailing naman siya.

"Nagbibiro ka ba? Ano tingin mo sakin, seven years old?" 

"Hindi 'ah!" Sunod sunod ang pag-iling ko. "Masarap 'yan. Lalo na pag ganitong oras, dali na. Kain na!"

Taming the Mafia BossWhere stories live. Discover now