Chapter 10

14K 362 6
                                    

"Totoo 'yon Marcus!" I stomp my feet like a kid. Nakakainis siya! Ipinaliwanag ko na lahat ang nangyari  sakin, mula sa chance na pagkabuhay ko muli at sa misyon ko para mangyari 'yon!

Pero hindi niya ako pinaniniwalaan! I-kwenento ko na nga yung nangyari sakin kahit hindi siya nakikinig pero ng itanong ko kung naniniwala na ba siya sakin ay agad siyang umiling.

"Marcus!" Dabog ko muli sa table niya. Napatigil siya sa pagbabasa mula sa mga papel at nag-angat ng tingin sakin.

"Look, I am a busy man here. At wala akong pakialam kung buhay ka 'man o patay. Just shut up o talagang paaalisin kita dito." Sabi nito na para bang napaka-swerte ko dahil nasa tabi niya pa rin ako kahit nagt-trabaho siya. Napanguso naman ako at tumayo.

Lalabas na lang ako sa secret lab na 'to then. Mababaliw ako pag siya lang ang nakasama ko muli sa buong araw. Nandito kami sa secret lab at kaninang umaga lang ay inutusan niya sila Rama at Verix na dalhin ang trabaho niya dito. Hindi naman umangal ang dalawa at sumunod din.

Then poof! Nakaupo siya ngayon sa isang swivel chair habang seryoso na nagbabasa ng mga papeles.

Pero dahil tahimik siya, i-kwenento ko nga ang nangyari sakin kahit nakatuon ang atensyon niya sa trabaho! Pero nakikinig 'rin pala dahil ng itanong ko kung naniniwala siya sakin na multo ako 'eh umiling siya!

"Where the--"

Tumagos ako sa pader at ang tumambad sakin ay isang puno, sa baba nito ay isang bench. Tinignan ko ang inaapakan ko; mga natuyong dahon. Mukhang ang puno na lang na ito ang nabubuhay dito.

Pumunta ako sa bench na 'yon para maupo. Mahangin dito at maaliwalas. Ba't ngayon ko lang naisipan na lumabas mula 'don sa abandonadong gusali? Ang ganda dito! Mukhang ito ang pinakalikod ng gusali! Hmm. ..

Tumayo ako at napagpasyahang maglibot-libot. Nako! Dapat pala lumabas-labas rin ako sa gusaling 'yon! Ang ganda dito! Meron pa kayang kahali-halinang lugar bukod dito?

Ipinalibot ko ang aking tingin sa pader. Ang taas nito. Masyadong mataas at may mga nakakatusok na wire sa itaas. Buti na lang at tanghali ngayon at nasa gitna ang haring araw kaya natatapatan ang lugar na 'to ng sinag. Kung magtatakip-silim na siguro'y wala nang sinag dito. Ang taas-taas kasi ng harang. Tila may kalaban mula sa likod ng pader kaya ganyan kataas. At itong gusali ni Marcus ang tila pino-protektahan ng pader.

Siguro walang makakasulpot dito kahit isa. Kung magnanakaw 'man ang tinataguan nila mula dito ay mahirap talaga akyatin. ..pero. ..

Hinahabol sila ng pulis! Baka tinataguan nila ang pulis! Diba nung ilang araw lang ang nakalipas ay hinahabol kami ng pulis? Paano kung may iba pa silang ginawang masama maliban sa beating the red light ni Rama?

Tinignan ko ang goons na may bitbit na malalaking baril. Palibot-libot ito at hindi mapakali sa pwesto, tila alerto na anytime, pwede ka niyang barilin pag ginulat mo ito.

Napalunok ako sa aking naisip. Mabuti na lang at multo ako.

May mga baril din na napakalaki sa secret laboratory ni Marcus. Lahat ng tao dito ay may baril. ..Ano ba talaga 'to?

Noong nakaraang linggo lang ay nabaril din si Marcus ng masasamang tao. Kamuntikan pa nga siyang mamatay.

Puro baril.

Nasaan ba talaga ako?

Sa paglilibot ko ay nakarating ako sa malaking gate, papalabas sa pader na ito. Papalabas sa mukhang delikado na lugar na 'to.

Napatigil ako ng makita ko ang dalawang matipuno at nakakatakot na lalaki, kausap niya si Verix at itinuturo nila ang Truck na mukhang ba-byahe.

"Siguraduhin niyo na hindi kayo mahuhuli, alam niyo na siguro ang kapalit." Rinig kong sabi ni Verix. Nakita ko ang pamumutla ng dalawa. "Mr. Valdez is expecting those stuffs at ten in the evening." Seryoso ang mukha nito at tila iba sa Verix na nakilala ko.

Taming the Mafia BossWhere stories live. Discover now