Chapter 34

7.3K 152 12
                                    

"Bakit mo ba siya sinapak, Greg?!" I hissed. Tinignan ko si Kuyang nurse na lumapit sakin. "Okay ka lang ba?"

Ngumiti lang ito.

"I am Marcus." Pakilala niya.

Napanganga naman ako sa sagot nito. Marcus. ..

Bakit siya magpapakilala sakin? Nasapak na nga ito at lahat-lahat! Nako naman. ..

"Nice to meet you?"

Hinila ako ni Greg palayo kay Marcus.

"Stay away from her. Tigilan mo na 'to. Ikakasal na kami."

Napanganga ako. "I-Ikakasal?"

Kita kong nagulat 'rin si Marcus sa harap namin. Nag-iwas ito ng tingin sa'kin bago siya umiling, at ngumiti.

"May the best man win." Aniya bago umalis.

Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak sa'kin ni Greg.

Hindi ko ito ininda dahil mas itinuon ko ang aking atensyon sa puso kong tila nakikipagkarera sa bilis ng tibok nito.

Dahil ba ito sa kasal na sinabi ni Greg?

Napatingin ako sa pintuan kung saan lumabas ang lalaki.

Marcus. ..

"Huwag ka ng lalapit sakanya." Deklara ni Greg.

"Bakit Greg? Who is he?" Takang tanong ko. Itinakas lang naman ako ng nurse na 'yon! Pinilit ko lang siya! Wala siyang kasalanan. Pero bakit galit na galit 'tong si Greg?

"What?" He looked horrified. I tilt my head. Ano? Di mo ba sasagutin ang tanong ko?

"Wala namang ginawa sayo si Marcus. Huwag kang magalit sakanya! Sinuntok mo pa 'yong tao! Tsk."

"Lumiere. .." Hinawakan nito ang magkabilang pisngi ko. Isinandal niya ang kanyang noo sa'kin. "I love you."

Napangiti ako.

Nakauwi na kami sa mansyon. Hindi ito pamilyar sa'kin. Natatandaan ko ang dati naming tinitirhan. Bakit kami umalis 'ron?

"Mama. ..Papa." Yumakap sa'kin ang dalawa.

Maluha-luha nila akong tinignan, kita ko sa mata nila ang saya. Napangiti tuloy ako. Naghanda sila ng kaunting salo-salo. Nag-kwentuhan sila patungkol sa nagaganap nilang trabaho bilang 'royalties'.

"In the next two months, pupunta na tayo 'don. Ngayong magaling na si Lumi." Wika ng ama.

Hindi ako dinala sa kahit anong ospital--o inilipat sa ibang bansa dahil baka sumabog ang balita. Itinago na lang siya sa simpleng ospital--na sinangayunan ni Lumi. Natapos ang kainan ng mag-aya si Papa na makipag-inuman kay Greg. Pinaunlakan ito ni Greg kaya't naiwan kami ni Mama sa kusina.

"Ma. .."

"Hmm?"

"May nabanggit si Greg na ikakasal kami. ..T-Totoo ba 'yon?"

Alam 'kong totoo 'yon. May naalala ako na gusto akong ipakasal ni Lola at Mama kay Greg. .Pero sana magbago 'yon. Halos isang taon akong nakahiga sa kama. ..Baka magbago.

Kasi hindi ko alam kung bakit, pero pakiramdam ko may nagbago sa'kin noong paggising ko. ..

Tumigil si Mama sakanyang ginagawa at tinignan ako. "Bakit mo tinatanong 'yan?"

Napalunok naman ako. "Ma. .."

Gusto ko sanang ipaliwanag yung nararamdaman ko para kay Greg; na tila nawala na parang bula ang nararamdaman ko.

Taming the Mafia BossWhere stories live. Discover now