Chapter 15

12.6K 313 8
                                    

"M-Marcus. .." Iling ko sakanya. Kumunot naman ang noo nito at bahagyang lumayo sakin. Pero kahit ganon ay hindi pa rin nito binitawan ang pisngi ko. "I'm sorry. .." hinging patawad ko.

Lalong kumunot ang noo nito. "Sorry? For what, Elicia?" Dumilim ang mukha ni Marcus.

"Sorry. ..." Pero si Greg ang pipiliin ko. Mukhang hindi kita kaya, at isa pa. .. Masama kang tao. Kailangan kong mabuhay, para may maisiwalat ako sa mga pulis at mahuli nila ang ilegal na ginagawa niyo.

Pero bakit ganon? Ang linaw ng plano ko pero may parte sa katauhan ko na pilit umaayaw. Kaya habang maaga, kailangan ko ng makaalis dito. Delikado ako sa piling niya. Delikado ang lahat ng akin sakanya.

"Did you try to escape?" Lalong dumilim ang mukha nito at nagkasalubong ang mga kilay. Pero nanatiling magaan ang kamay nito na nakalapat sa pisngi ko.

"Hindi. .."

"Then why?!" Inis na sambit nito. "Why the hell are you saying sorry?" Mahina pero may diin ang mga salita nito.

Umiling lang ako. "W-Wala. .." Bakit ba ako umiiyak? I should be happy because finally, makakaalis na ako kay Marcus.

"Why the hell do I have this feeling na may hindi ako magugustuhan na gagawin mo?" Tanong nito sakin.

I was about to utter a word pero napigilan ito ng isang tili.

"Andrei!" Napalingon kami ng sabay sa tinig na 'yon. Kasunod 'non ay mga kalabog at pagkabasag ng mga bagay. Kahit ayoko sa babaeng tumili na 'yon ay kinabahan ako ng sobra.

"Damn." Iling niya at nilingon ako. "Stay here, Elicia. Don't do anything that will make me mad." Aniya. Wala ako sa sariling tumango na lang kahit iniisip ko ngayon na sundan siya.

I just can't stand here!

His eyes were full of doubts pero agad 'ding tumango bago may pagdadalawang isip na umalis.

Nakarinig ako ng tunog ng baril kaya lalong nag-panic ang kalamnan ko! Anong nangyayari?! Bakit may pagputok ng baril?

I was about to move para sundan si Marcus pero lumabas siya sa isang kwarto kasama ang sopistikadang babae.

"Andrei!" Tili niya ng makarinig ng isa pang putok ng baril. May pumasok na mga lalaking sibilyan pero malalaki ang katawan nila at armado! Nilingon ako ni Marcus, nakakunot ang noo nito at parang hindi nagugustuhan ang nangyayari!

"Take care of her." Aniya at binigay ang babae sa mga lalaki. Tumango naman ang mga ito pero napatigil sila ng mag-inarte yung babae!

"Andrei! Baka mapahamak pa ako sakanila--"

"Damn, Krishna! Don't be stubborn here! They won't be my man for nothing! Now, go!" Inis na sabi ni Marcus dahilan para mag diwang ang mga kalamnan sa loob ko. Nanahimik si Krishna at iritadong naglakad paalis na sinundan ng mga armadong lalaki.

Ha.

Napailing naman ako. Why do I need to be immature in this time na may barilan? God, Elicia.

Muli akong nilingon ni Marcus, ang kaninang nakakunot na noo nito'y bahagyang nabuwag pero nanatiling seryoso ang mukha niya.

"Multo ka, right?"

Tumango ako.

"You'll be safe beside me, right?"

Tumango muli ako.

"You sure of that?" Paninigurado nito kaya ako naman ang kinunutan siya ng noo. He just giggled at lumapit sakin, he was about to hold my wrist ng may tumawag sakanya.

Taming the Mafia BossWhere stories live. Discover now