Kabanata 4

13.7K 342 6
                                    

Sinubsob ko ang aking mukha sa tuhod ko at niyakap ito. Nakakainis, hindi naman ako pwede umalis dito. Kailangan ko si Marcus, kailangan ko mabuhay! Pero naiinis ako kay Marcus! Parang basahan lang ako kung itapon! Kalalaking tao, so ungentle!

Tumayo ako mula sa pagkaka-upo sa harap ng gate ni Marcus. Pwede naman akong anytime na makapasok sa bahay niya. ..pero kasi, naiinis ako sakanya. Nakakainis.

Pero wala akong panahon para mag-isip o kainisan si Marcus.

I need him, kailangan ko siya para mabuhay ako! Hindi ko alam kung anong dahilan; kung bakit gusto ko mabuhay, pero ramdam ko, na may kailangan ko talaga mabuhay. Na desperada ako, para dito!

I sigh. Aja, fighting!

Tumagos muli ako sa gate at pumasok sa bahay niya. Nakita ko naman siya sa kusina na kumakain ng cup noodles. At nong makita niya ako. .. Ang kaninang kalmadong mukha niya ay sumama.

T-Teka! Aambahan na naman ako nito!

Tinignan ko ang singsing at laking gulat ko na halos one fourth na ang nakalagay na itim na buhangin 'ron!

"B-Bakit ka nagagalit!? Wag ka magalit!" Sigaw ko sakanya.

Kumunot ang noo nito. "Bakit mo ako inuutusan! Paano ka nakapasok?" Kalmado ang tono nito kaya naman medyo nawala ang kaba ko.

"Uhm. ..pumasok ako."

"The gate is lock. I'm sure Trina will automatically shoot you because you're a stranger.. .so how come? Tell me your secret, lady." Mapungay at tila nanglalasing ang mga mata nito kaya napahawak ako sa hawakan ng fridge na nasa gilid ko.

Oh em gee. Hindi talaga natin pwede itanggi na may kakaiba sa lalaking ito.

Nag-iwas ako ng tingin. "Uhm, baka matakot ka." Well, nakakatakot naman talaga ang pag tagos ko sa mga bagay.

He giggled kaya napalingon ako, at kita ko ang labi nito na tumataas ang sulok. Teka nang-aakit ba siya? "Hindi mo alam ang mga pinagdaanan ko, trust me. It's really scary..." Naningkit din ang mga mata nito bago ibinalik ang kinakain sa noodles.

I sighed. The way he look at me is more scary than anything. Feeling ko mawawalan ako ng balanse, 'eh!

Nang maalala ko na tinatanong niya ako ay napaayos ako ng tayo sa tabi ng fridge. Ayoko nga lumapit sakanya! Baka mamaya, itapon na naman niya ako palabas!

"Uhm. ..Tumatagos ako," sagot ko sa tanong niya.

Kita ko mula dito ang pag tigil niya sa pagsubo at nag-angat ng tingin sakin. Ayan na ang nakakatakot na mata!

"That's it." Tumayo siya at gamit ng isang kamay na nakatago sa table ay inilabas niya at hawak ang kanyang baril. Napapikit ako. Ano ba naman 'yan! Syempre iisipin niya na nababaliw na ako!

"T-Teka! Wag mo naman ako i-double dead, Marcus!" Sigaw ko at nagtago sa gilid ng fridge.

"You psychotic woman." aniya at narinig ko ang pagkasa ng baril.

Kaya gamit ng tagos powers ko ay lumipat ako ng ibang kwarto.

"Where the hell are you!?" Inis at iritado ang boses nito. Aba!

"Marcus! Wag mo naman ako patayin! Patay na ako!" Sigaw ko. Nakita ko ang pag galaw ng doorknob kaya tumagos ulit ako sa pader. Nasa kusina ulit ako!

"Tangina, babae! Nasaan ka!"

Huhu, Lord, tao pa ba siya? Bakit ba siya nagmumura ng ganon kalutong?

"Nasa kusina!" Ako si tanga na sumagot kaya agad akong tumakbo sa pader para tumagos sa kwarto.

Taming the Mafia BossWhere stories live. Discover now