Chapter 49

5.3K 120 4
                                    

"Marcus!" Inis na sigaw ko. Kita kong napaatras ang mga tauhan niya sa sigaw ko. Nakakainis kasi siya!

"What? May nangyari ba sayo?" Kalmadong sambit nito at may bitbit pang tray. "Ah. This is for you. I was about to take this upstairs. Pero dahil nandito ka na sa dining--"

"Ikaw." May tinuro akong kuya. "Kumain ka na ba?" I asked him.

"What the fuck?" Marcus hissed. Tinignan ko siya ng masama. Manahimik ka diyan!

"A-Ah. ..H-Hindi pa p-po. ..Ma'am." Nakayukong sabi niya.

"What the fu--"

"Sumabay ka na sa'min." I smiled. Tinignan ko lahat ng tauhan ni Marcus. "Sabay kayo."

"Lumiere!"

Tinignan ko ng masama si Marcus. Ano bang sinisigaw nito? Lagi kong napapansin na nakabantay lang ang tauhan niya dito! Kailangan silang pakainin! Wala talaga manners ang isang 'to!

"Ano?"

"Eyes on me!"

"Huh?!" Mas lalo ko siyang sinamaan ng tingin. Nakatingin naman ako sakanya.

Gago ba 'to?

"I mean, sakin ka lang tumingin! Wag mo silang tititigan!"

Inirapan ko lang siya at umupo. Pagkatapos ang maingay na umagahan--Si Marcus lang naman ang tahimik eh. Eh agad akong nagpunta sa kwarto para mahiga.

Ang boring!

Agad akong umalis sa kama ko at pinuntahan si Marcus sa opisina niya. Kaya lang, wala siya 'don. Okay? Saan na naman nagpunta ang lalaking 'yon?

"Marcus!" Binuksan ko pa ang isang pintuan--uh. "Ay. Sorry."

Agad akong umatras at kumaripas ng takbo patungong kwarto. Mukhang nagkakaroon sila ng meeting doon at nakakahiya ang ginawa ko. Para akong siga. Eh puros mga lalaki ang naroon tapos may baril pa.

"Love."

Napasimangot ako. "Kahapon babe, tapos ngayon Love? Ikaw napakarami mo sigurong babae ano?"

Tumawa lang siya. "Pogi lang 'to. Hindi playboy."

Lalong kumunot ang noo ko. "Tigilan mo nga 'yang kakatawag sakin ng kung ano-ano."

Ngumisi lang siya at sinubsob ang kanyang mukha sa leeg ko. "Kahit ano pang itawag ko sayo, iisa lang naman ang meaning non."

Hindi ko alam kung paano kami naging ganito ka-'sweet' sa isa't isa. ..Pero it just happened. No questions. ..Just us. Our feelings.

"Ano?" Pinipigil kong ngumisi. Nakakakiliti kasi iyong ginagawa niya!

"Ikaw, akin ka lang."

See? Itong Mafia Boss na 'to akala ko matinik lang sa barilan. Pati rin pala sa pakiligan.

"Heh!" Humiwalay ako sakanya at hinarap ang poging nilalang na ito. "Alam mo maganda? Gumala tayo!" I giggled.

Sumeryoso ang mukha nito. "Hin--"

Sumeryoso rin ako. "Sige. Uuwi na ako--"

"Pero--"

"Marcus. Gusto kong lumabas. Hindi habang buhay dito lang ako sa bahay mo. Hmm?" Hinawakan ko ang pisngi nito.

"Umaga na Lumiere." Simangot nito. "Lagi kang nag-aayang lumabas ng alanganing oras. Are you nuts?" Seryosong sambit nito.

Tumawa ako. "What? It's fun!"

"Psychotic."

"What?!"

"Abnormal."

"Ano?!" Hinampas ko siya. "People who do 'normal' isn't fun at all. I'd rather do some crazy things--"

Taming the Mafia BossWhere stories live. Discover now