Kabanata 5

14.3K 396 24
                                    

Napatigil ako sa paglalakad ng hawakan niya ang braso ko. Hindi ako lumingon sakanya kasi may mga luha sa pisngi ko.

Baka sigawan pa niya ako ng ma-drama. I don't want to upset him.

May mga naririnig akong munting mura na galing sakanya. Ano ba kailagan nito? Lalaitin kung naman niya ako? Pagtatawanan? Kasi kung para sa iba, mababaw lang 'to at feeling niya eh may sayad ako, then be it! Pero yung pagtatawanan ako na parang hindi mahalaga yung ginagawa ko?

Masakit.

"Hey, look at me." Authority is really obvious in his voice. Pero parang pinipigilan niya pa 'yon sa lagay na 'yan. "Hey. ..damn this dream."

"Hindi ka nanaginip!" Sigaw ko sakanya.

"Okay... Whatever." Aniya. Napairap naman ako. Hindi siya naniniwala! "Lingunin mo ako."

Tinanggal ko muna ang luha na nasa mata ko bago humarap sakanya.

Tinabig ko ang kamay nito then crossed my arms.

"Aalis na lang ako! Mas okay pa na mamatay ako, kaysa pakisamahan ang katulad mo! You heartless guy!" Inirapan ko siya at naglakad papunta sana sa pintuan.

Hindi ko talaga 'to kaya. He is too heartless! Tinignan ko ang singsing ko at nanlaki ang mga mata ko na halos napuno ng itim na buhangin ang singsing ko! Kumalabog ang dibdib ko dahil sa kaba. Nilingon ko siya at kita ko ang seryosong mukha nito, magsasalita na sana ako...

But the next thing I knew, everything went black.

"Ika'y tuluyang mamatay kung gagawa ka ng hindi niya gusto. Mag-ingat ka."

Bigla akong napamulat. Teka! Anong nangyari!? Tinignan ko ang singsing, plain na ito. Wala na yung buhangin na halos mapuno ang singsing kanina!

Bakit napuno ang singsing kanina!? Wala naman akong sinabi sakanyang masama! Akala ko, tanggap ko na patay na ako! Pero hindi pa pala! Kailangan ko pa mabuhay! Pero bakit ganon? Makikita niya pa ba kaya ako? Ginalit ko siya, siguro hindi na niya ako makikita!

Lumabas ako ng kwarto gamit ng aking powers. Joke, hindi naman powers 'to. Multo lang ako.

Pumasok ako sa kwarto niya at tinignan siya ng masama. Hindi naman niya siguro ako mapapansin dahil multo ulit ako diba? Hindi naman niya siguro ako makikita kasi ginalit ko siya. .at para makita ulit, kailangan ko siya pasayahin.

Pero ngayon, maglalabas muna ako ng sama ng loob.

"You freak! Monster ka! Gusto ko lang naman mabuhay, at kailangan ko ng tulong mo, pero tinawanan mo lang ako! You insensitive bastard!" Hinihingal ako ng matapos ko siyang sigawan. Nakakainis! Kailangan ko lang siguro maglabas ng sama ng loob para magkaroon naman ako ng lakas ng loob na pasayahin siya.

"Done?"

Napatalon ako sa kinakatayuan ko. "N-Nakikita mo ako. ..?" Paano?! Diba once na ginalit ko siya, hindi na niya ako makikita? Pero ba't niya ako narinig!?

Anong nangyayari?

Lalong napatalon ang kalamnan ko ng ilipat niya ang tingin sakin. "Yeah." Tango niya.

Tinignan ko ang singsing ko. Hindi manlang siya nagalit? Wala akong nakikita na bakas ng itim na buhangin. Sinigawan ko siya diba? He should be angry!

"Uhm... Ba't hindi ka nagalit?" Pinaglaruan ko ang aking kamay na nasa likuran ko. Nako naman! Parang tuloy ako pa ang masama dito! Para akong bata na nahuli sa ginagawa niyang pagtakas mula sa bahay!

Taming the Mafia BossWhere stories live. Discover now