Chapter 126

1.4M 40.2K 26.4K
                                    

Back to school

Jay-jay's POV

Very Wrong!

Feeling ko mababaliw na ko, O baliw na talaga ako?

Nakakainis!

Hindi ko maintindihan yung nangyayari sakin. Tinanggap ko na yung alok ni Yuri, dapat hindi ko na ginawa yung anu kay Keifer.

Basta yung anu---nung New Year.

Lakas kasi maka-gago nung animal na yun. ASAR! Parang ang dating tuloy, salawahan pa ko. Putik!

Ang masama nito, muntik na. Muntik na talaga! Muntik ng bumagsak ang Bataan. Punyeta!

Wala na kong muka'ng ihaharap kay Yuri. Nakakainis! Pagnaa-alala ko yun, naku! Bumibilis yung tibok ng puso ko. Ang init tuloy ng muka ko.

Tinignan ko yung singsing na nakasuot sa daliri ko. Gusto nila Kuya na suotin ko na daw yun at wag ng hubarin pa.

Kayalang tuwing nakikita ko yun, feeling ko nagtataksil ako.

"Hay..." Bulong ko.

Tumayo na ko mula sa pagkakahiga sa kama. Back to school na, ganun kabilis. Hindi ko man lang nadama or na-enjoy yung New Year celebration.

Si Keifer kasi...

Dumiretso na ko sa banyo para maligo at mag-ayos. Medyo nag-madali pa ko, ayoko kasing malate. Paglabas, habang nagbibihis, may naririnig ako'ng nag-uusap sa labas lang ng kwarto ko.

Alam kong si Tita Gema at Kuya Angelo yun. Hindi ko lang maintindihan kung bakit kailangan nilang mag-usap sa tapat ng kwarto ko.

Pagkatapos mag-ayos, lumabas na ko dahilan para tumigil sila Kuya at Tita.

"Good Morning po." Bati ko sa kanila.

"Good Morning din. Kumain kana dun." Sabi ni Tita at nginitian ako.

Hindi ko talaga tinignan or binati si Kuya Angelo. Masama nga kasi loob ko sa kanya.

Dumiretso na ko sa Dining. Naabutan ko si Aries na kumakain. As usual, seryoso'ng seryoso na naman. Kelan ba ngingiti to?

Kapag kasama nya si Ella.

Habang kumakain, napapansin ko si Aries na panay ang tingin sakin at parang may gusto'ng sabihin.

"May sasabihin kaba?" Tanung ko sa kanya.

"Ikaw ang may sasabihin sakin." Sagot nya at taka ko sya'ng tinignan.

"Ha?"

"Anu'ng desisyon mo? You'll stay on that stupid section of yours?"

Eto na naman sya. Ngayon pa kaya nya ko mapapa-alis dun? Syempre, hindi papayag si Kuya. Kasama ko yung---so called---fiancé ko sa Section na yun.

Hindi ako sumagot at bumalik lang ako sa pagkain. Halata'ng nainis si Aries sa ginawa ko.

Tumayo sya bigla. "Kung nakinig ka sakin, hindi ka sana na-set up sa engagement na yan." Sabi nya at tuluyan ng naglakad paalis.

Huminto ako. Kung sumunod nga ba ako sa kanya, mang-yayari nga ba to? Matatali nga ba ko sa kasal na inayos nila.

Sa totoo lang napapagod na ko sa kakaisip sa lintik na engagement na yan.

Tinapos ko na yung pagkain ko at agad nag-ayos. Lumakad na ko at dumiretso sa labas. Napansin ko sa garahe yung kotse ni Aries.

Akala ko umalis na to!

Ang Mutya Ng Section E (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon