Anger
Jay-jay's POV
"Ikaw na!" sigaw ko kay Ci-N.
"Sige na kasi... Baka makita ako nung pinsan mo. Aawayin ako n'on," pakiusap niya habang pumapadyak.
Inis akong napakamot sa ulo ko. Kanina pa kami ganito. Inuutusan niya akong kumuha ng ice cream sa kusina. Ayaw raw niyang lumabas ng kwarto dahil inaaway siya ni Aries kapag nakikita siya.
Yung feeling na ako yung may-ari ng kwarto at siya yung nakikitira pero ako yung inuutusan.
Nice!
"Kainis naman 'to, eh!" sabi ko sa kaniya at tumayo mula sa pagkakaupo sa harap ng study table ko.
"Yehey! Salamat, Jay!" sabi niya sabay palakpak.
Ewan ko sa 'yo!
Lumabas na ako ng kwarto at dumeretso ng kusina. Si Manang lang ang naabutan kong nando'n. Kumuha ako ng ice cream para batang kumag at tubig na rin. Paglabas ko ng kusina, nasalubong ko si Tito Julz.
"Gabi na... Baka naman sumakit ang lalamunan mo diyan."
"Hindi 'yan... Dalawa naman po kaming kakain," sagot ko at nginitian lang ako ni Tito.
Nagtuloy na ako sa paglalakad pabalik sa kwarto ko. Pagpasok sa loob, bumungad ang pumapalakpak sa tuwa na si Ci-N.
"Nasa'n yung kutsara?" tanong niya sa 'kin nang iabot ko sa kaniya yung ice cream.
Ay, ang galing!
"Nakalimutan ko," sabi ko at agad na lumabas ng kwarto.
Halos madulas ako sa pagtakbo. Bwisit naman kasi! Agad kong kinuha yung kailangan ko at patakbo ulit na bumalik sa kwarto. Nakasalubong ko pa si Aries pero hindi naman niya ako pinansin.
Siyempre! Ano pa nga ba?!
Pagbalik sa kwarto ko, halos hikain ako sa paghahabol ng hangin. Tiningnan ko si Ci-N at yung ice cream. Hiyang-hiya ako!
Paubos na yung ice cream na dinala ko. Kumusta naman sya?! Kingina!
"Hoy! Ang daya mo!" sigaw ko sa kaniya.
"Ang tagal mo, eh!" natatawang aniya. Sa inis ko, binato ko sa kaniya yung kutsara pero ninja moves ang loko. Naiwasan niya. Badtrip!
"Magka-tonsillitis ka sana," bulong ko.
Bumalik na lang ako sa harap ng study table ko. Kailangan kong mag-aral nang maayos.
Maayos! Hindi mabuti!
Wala na kasi sa bokabularyo ko yung 'mag-aral nang mabuti'. Siyempre, ano pang aasahan sa katulad ko? Kaya aayusin ko na lang.
Pero paano ko kaya gagawin 'yon kung hindi maalis sa isip ko yung itsura ni Keifer? Natakot talaga ako. Babae pa rin naman ako at may kinatatakutan din.
Parang kay Kuya Angelo.
"Ci..." tawag ko sa batang kumag.
"Hm?" sagot niya habang patuloy sa paglantak ng ice cream.
"Nakita mo na bang magalit si Keifer? Yung as in galit na galit," tanong ko sa kaniya. Siya kasi 'tong mas matagal na nakasama si Keifer kaya hindi ko maiwasang hindi itanong sa kaniya.
"Oo naman... Maraming beses na," sagot niya.
"Talaga?"
"Oo... Pero yung hindi ko makakalimutan yung nagalit siya nang sobra kay Yuri," sabi niya at huminto sa pagkain. Umayos din ako ng upo para makaharap sa kaniya nang maayos.

YOU ARE READING
Ang Mutya Ng Section E (Book 2)
General FictionPagkatapos ng mga pinagdaanan nila ng Section E, ang buong akala ni Jay-jay ay maayos na ang sitwasyon nila. Pero paano kung malaman niyang kasinungalingan lang pala ang lahat? Magagawa pa rin ba niyang patawarin ang taong nanakit sa kaniya o hindi...
Wattpad Original
There are 11 more free parts