Chapter 178

822K 32.8K 51.2K
                                    



Barakuda

Jay-jay's POV

Ayoko ng masikip. Ayoko ng mainit. Ayoko ng maputik---huh?!

Linya sa pelikula yun ah?

Busit kasi! Nagising ako na ang sikip-sikip ng pakiramdam ko. Lagkit na lagkit na ko sa pawis ko. Kahit ayaw ko pa sana dumilat ako at naging dahilan yun ng pagsakit ng ulo ko.

Curse this hangover!

Hindi talaga ako marunong madala. Inom pa rin ng inom kahit ang kapalit nun ay pagising sa umaga na sobrang sakit ng ulo.

Pakshit! Parang binibiyak ang ulo ko sa sakit. Pinilit kong abutin ang ulo ko gamit ang kamay ko pero sa hindi ko maintindihan na dahilan hindi ako makagalaw.

Pinilit kong tignan yung mga kamay. Tuluyang nagising ang diwa ko ng makita ko yung dahilan.

NAKATALI AKO!

Anak ng tokinawang hapon! Nakatali ang mga kamay ko sa magkabilang side ko. Bukod don ay meron ding dalawang kamay na nakadantay sakin.

Ganun nalang ang bilis ng tibok ng puso ko. Ayoko'ng lumingon sa magkabila. Ramdam na ramdam ko ang hininga nila sa leeg ko.

Braso pa lang... Alam na!

Sobrang init! Basa na yata ang katawan ko ng pawis. Hindi rin ako makahinga ng maayos sa posisyon namin.

Kaya kahit labag sa loob ko. Unti-unti akong lumingon sa kaliwa. Halos mahalikan na nya ko sa lapit ng muka nya.

"K-keifer." Tawag ko sa kanya.

Hindi natinag ang luko at mukang himbing na himbing. Dahan-dahan akong tumingin sa kanan ko at halos ganun din ang sitwasyon at posisyon nya.

"Yuri." Tawag ko din sa kanya.

Hindi rin sya gumalaw. Sobrang lagkit na lagkit na ko sa pawis ko. Pinilit kong gumalaw at bungguin sila. Malakas na pag-ingit ang narinig ko sa kanila. Bahagya din silang lumayo sakin.

"Gising na. Utang na loob! Ang liit ng tent ko pinagkasya nyo yung sarili nyo dito." Inis na sabi ko sa kanila.

Si Yuri ang unang dumilat at bumangon. Naghikab muna sya bago ako harapin.

"Good morning." Nakangiti nya'ng bati sakin.

"Good morning din. Baka gusto mo na kong kalagan?" Sarkastikong tanung ko.

Tinignan nya ang mga kamay ko. Akala ko aabutin na nya yung buhol ng tali pero inabot lang pala nya si Keifer para kalabitin. Ilang beses nya'ng ginawa yun bago tuluyang magising yung isa.

"What?!" Inis na tanung nung Hari kay Yuri.

"Kakalagan ko naba to?" Tanung naman ni Yuri.

At nanghingi pa talaga sya ng permiso?

Tinignan ako ng Pesteng Hari bago ngumiti. "Wag muna. Sayang yung pagkakataon."

Anung pagkakataon?!

"Gagawin na ba natin ngayon?" Tanung ni Yuri.

Anung gagawin?!

"Pwede rin."

Ang alin?!

"Hindi ba tayo maririnig sa labas?"

Maririnig ang alin?!

"Takpan mo yung bibig para hindi tayo marinig."

Halos mabali ang leeg ko sa pagpapabalik-balik ng tingin sa kanila. Hindi ko maintindihan ang pinag-uusapan nila.

Ang Mutya Ng Section E (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon