Chapter 193

827K 30.3K 27K
                                    

A/N: NO EDIT! I no longer accept dedication. Kung kukuha po ako, sa fb ko nalang po announce.

I shall return

Jay-jay's POV

Hindi pa talaga ako handa na humarap sa kanila. Sariwa pa ang sugat at ang lahat-lahat----kaninang umaga lang kaya. Pero makulit masyado tong si Percy ang sarap lang iuntog sa pader.

"Jay-jay"

"Si Jay-jay."

"Andito na sya."

Sunod-sunod na sabi nila. Puno ng pag-alala ang mga itsura nila. Halos lahat sila nagtangkang lumapit sakin pero tumigil din ng bumukas ang pinto sa parte ng driver. Kita ko ang pagkabigla ni Felix at David. Pagtataka naman ang naging reaksyon ng iba----hindi siguro kilala si Percy.

"K-kuya?" Tawag ni Felix sa kanya.

Ngumiti si Percy sa kanya. "Kamusta? Na-miss mo ba si Kuya?"

Hindi nakagalaw si Felix at kita ko ang panginginig ng labi nya. Sinamantala ko ang pagkakataon na nakay Percy ang atensyon nila. Pumasok ako sa gate at dumiretso sa bahay.

Huminto ako pagdating sa pinto. Mukang nagkamali ako ng akala na wala ang mag-bestfriend'ng Gago dito.

"Jay..." Tawag sakin ni Yuri at tumayo.

Agad na napunta sakin ang atensyon ng lahat ng tao sa bahay. Dun ko lang napansin na kumpleto pala sila. Dali-dali silang lumapit sakin maliban kay Tito Julz at Andy.

"Saan kaba nagpunta?" Bungad sakin ni Lola na puno ng pag-aalala.

"Yung mga kaklase mo kanina ka pa hinahanap." Sabi ni Tita Gema.

"Anu bang nangyari? Bakit bigla kang umalis sa school nyo?" Tanung ni Mama.

Wala akong naging sagot sa mga tanung nila. Tinignan ko sila isa-isa. Masama ang tingin sakin ni Kuya at Aries. Naramdaman ko na naman ang pagbara ng hangin sa lalamunan ko. Huminga ako ng malalim para pagilin yon pero nawalan ng saysay yon ng magtama ang tingin namin....ni Keifer.

Tangina!

Wala syang reaksyon habang naka-cross arm at nakasandal sa sofa. Hindi ko masabi kung anung gusto nyang iparating pero pinili kong umiwas at kasabay non ang pagpatak ng luha ko mula sa isang mata.

Humarap ako kay Mama na halatang galit dahil sa ginawa ko.

"Ma..." Tawag ko sa kanya. "...Anak ba ko sa labas?"

Mahinahon ang pagkakasabi ko pero ang laki ng pagbabago ng expression nila. Maging si Kuya at Aries nagbago din ang istura.

Hinawakan ni Mama ang braso ko pero agad kong binawi yun. Panay ang buka ng bibig na para bang may sasabihin sya pero hindi nya maituloy.

"S-saan mo naman n-narinig yan?" Pilit nyang tanung.

"Anak ba ko sa labas?" Pag-uulit ko sa tanung.

Muling bumagsak ang ilang luha mula sa mata ko. Diretso ang tingin ko kay Mama dahil ayokong hindi makita ang magiging reaksyon nya.

"Jay... S-syempre h-hindi----."

"Sinungaling." Putol ko sa sasabihin nya.

Agad nya kong tinignan ng masama pero pilit binawi yun. "A-anu bang s-sinasabi mo?"

"Anak ako sa labas dahil may asawa na si Papa nung nagkakilala kayo." Diretsong sabi ko.

Wala na kong paki-alam kung marinig ng iba ang sasabihin ko. Malalaman at malalaman din nila yon. Si Keifer pa, He have ways nga diba?!

Ang Mutya Ng Section E (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon