Chapter 203

865K 30.2K 20.1K
                                    

A/N: NO EDIT! Pa-correct nlng po ng mga typo at wrong grammar. Tamad talaga ako magre-read. Kapag may time ako revise ko lahat ng chapter.

Evil Phone

Jay-jay's POV

Hatid at sundo! Lelang mo'ng panot hatid at sundo. Asa naman si Kuya susundin ko yon. Oo, natatakot ako sa kanya pero....kingina! Rebelde to men!

Nasa huling klase na kami para sa araw na to. Naka-survive ako ng walang masyadong nagiging koneksyon sa mga Ulupong. Except syempre sa katabi ko.

"Uwian na!" Malakas na sigaw nya na dinaig pa yung bell ng school. "...Kain tayo ice cream."

"Ayoko." Mabilis kong sagot habang inaayos ang gamit ko.

Bagsak ang balikat ni Ci pero pinilit nyang ngumiti sakin. "Sige na..."

"Ayoko."

"Please..."

"Ci-N." Tawag ko sa pangalan nya at sumeryoso naman sya sakin. "...Ayoko. Intindihin mo yung salitang ayoko."

Hindi ko na hinintay ang sasabihin nya. Lumabas na ko ng room at tuloy-tuloy lang sa paglalakad kahit naririnig ko pang tinatawag nila ko. Wala akong balak magpahatid kay Yuri.

Binilisan ko ang paglalakad at pagdating sa gate ng school, nakita ko ang pamilyar na kotse ng hudlong kong stepbrother. Tumakbo ako palapit don at malakas na kinatok ang bintana.

"Wazzup?!" Bati nya sakin habang tumataas baba pa ang kilay.

"Umaano ka dito?" Tanun ko.

"Sinusundo si Felix. Bakit?"

Akala ko ako... Awtsu!

"Wala. Tinanung ko lang." Walang buhay kong sagot.

Bigla nalang syang ngumiti ng malapad. "Na-miss mo ko no?"

Ayos din sa kakapalan ng muka tong isa to. Solid rock! Hardcore kung hardcore. Napa-ngiwi ako sa sinabi nya.

"Kapal." Bulong ko na sinadya ko ding iparinig sa kanya.

Tumunog ang cellphone nya at yun muna ang hinarap nya. Sandali syang nagpipindot bago ako harapin ulit.

"Well, it's your lucky day." Sabi nya at binulsa ang cellphone. "...Hindi daw sasabay si Felix. Mag-meeting daw sila. Sakay na!"

Meeting?

May meeting ang mga Ulupong. Siguro may pag-uusapan na naman sila. Wag lang sana tungkol sakin.

Sumakay na ko sa kotse ni Percy at sa passenger seat ako pumwesto. Kinabit ko ang seatbelt at nagmaneho na sya. Pakanta-kanta pa sya habang nakatingin sa daan.

"🎶Ang gwapo ko! Ang gwapo ko! Ako ang pinaka-gwapo saming lahat! 🎶" Kanta nya na parang rap.

Gusto kong buksan ang pinto ng kotse nya habang umaandar at bigla nalang akong tatalon para masaya. Nag-uumpisa na naman sya sa mga kakornihan nya. Partida! Hindi pa sya lasing nyan ah.

Normal sya nyan... Normal!

Huminto ang kotse dahil sa traffic light naka-sign ng stop. Patuloy pa rin sa pag-ra-rap tong isa. Pinilit kong iiwas ang atensyon ko dahil nag-uumpisa na kong mainis.

Napatingin ako sa grupo ng kabataang naglalakad. May hawak silang skateboard at naka-helmet pa. Tuloy ang tawanan at asaran nila. Meron pang sasakay sandali sa skateboard at papaandarin yun.

Ang Mutya Ng Section E (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon