Chapter 186

854K 30.1K 49.2K
                                    

A/N: NO EDIT


Fiancé vs. boyfriend?

Jay-jay's POV

Hinintay ko. Hinintay ko na kagalitan ako sa ginawa ko. Sugurin at sumbatan pero wala. Walang gumawa non kahit isa sa kanila.

Taka ako sinusundan sila ng tingin habang nag-aayos ng hapag kainan. Nakatawa si Lola habang nakikipag-kwentuhan kay Andy'ng epal.

Nagvi-video ako dito! Epal!

"Jay-jay!" Tawag sakin ni Tita Gema. "...tulungan mo ang Mama mo sa kusina."

Sapilitan ang pag-nod ko. "S-sige po."

Halos kasabay ko yung Andy pumunta ng kusina. Bahagya syang nauna at agad na sinalubong sya ni Mama ng halik.

Yung bigla ka nalang nandiri sa salitang 'halik'. Yack!!!

"Jay... Anak. Paki-dala naman to." Utos ni Mama.

Nakangiti sya sakin habang tinuturo ang isang malaking bowl na puno ng kanin. Inirapan ko naman sya bago kuhanin yon at idiretso ng dining.

Pag-angat ng tingin ko muntik ko ng mabitawan yung bowl sa pagkabigla.

Anak ng shutanginames!

"Hi..." Naiilang na bati sakin ni Yuri.

Nagpa-ulan talaga ng malas ngayon. Pero bakit parang ako lang ang sumalo?

Binaba ko ang hawak ko sa lamesa at takang tumingin sa kanya. Gusto kong magmura ng malakas. Yung sa sobrang lakas itatakwil na ko ng langit.

May hawak syang bouquet na ang ganda sana sa paningin pero ang sarap din ilagay sa ibabaw ng magiging nitso nya. Inis ko syang tinignan. Hindi ako natutuwa sa pagdating nya at gusto kong maramdaman nya yun.

Ang totoo, masama pa rin ang loob ko sa kanya. Matapos nyang sabihin na sya ang nag-set ng sakal----este kasal. Ewan ko, pakiramdam ko napagtulungan nila ako. Pinoproblema ko na nga si Mama sasabay pa sya.

Ang galing! Palakpakan natin!

"At sino naman tong gwapong binata na to?" Malanding tanung ni....*ehem* Mama.

Ngumiti naman na abot hangang tenga si Yuri. Naks! Gwapo----ng sahig! Ang gwapo ng sahig. Galit nga ako sa kanya kaya hindi ko sya dapat purihin.

"Good evening po. I'm Yuri Hanamitchi..." Pakilala nya at inabot ang dalang bouquet kay Mama. "...para po sa inyo."

Mabilis naman nya yung tinanggap. Kinikilig pa sya habang inaamoy-amoy ang bulaklak.

Wew!

"Ikaw pala yung magiging asawa ng anak ko." Nakangiting sabi ni Mama kay Yuri. "...Tawagin mo na rin akong Mama."

Parang iba yung dating sakin nung sinabi nya. Kakaibang Mama!Nakarinig kami ng tumikhim. Napalingon kami kay Andy na nasa likod lang pala nya.

"Ay! Eto nga pala ang mapapangasawa ko. Si Andy Estrada." Pakilala nya.

Naglahad naman ng kamay si Yuri. Sandali iyong tinignan ni Andy bago tanggapin.

Yung bigla nalang akong nawala sa paningin nila. Hindi kaya multo nalang ako? Wala ng pumansin sakin nung dumating tong Yuri na to.

Pero hindi ako nalungkot. Naging pabor sakin yon para makalabas ng bahay ng hindi nila namamalayan. Busy si Kuya Angelo sa cellphone nya. Si Lola naman sa pakikipag-kwentuhan kay Tita Gema habang nag-hahain.

Ang Mutya Ng Section E (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon