Chapter 222

824K 28.8K 16.8K
                                    

Island

Jay-jay's POV

Nag-iisa na naman ako. Yung pakiramdam ko dati eto na naman. Yung pakiramdam na hindi ako katanggap-tanggap. Sa pagkakataon na to hindi sa mga kaklase ko kundi sa pamilyang nag-aalaga sakin.

"Stable na ang vitals ng pasyente. Wala na rin kayong dapat ipag-alala sa damage tissue sa baga nya, maganda ang respond non sa gamot na ibinigay namin sa kanya." Sabi ng Doctor kay Tita Gema.

Agad namang nakahinga ng maluwag sila Tito Julz at Kuya Angelo. Ganun din sana ang dapat kong naramdaman pero nana-naig sakin ang pagiging guilty.

Dahil kahit saan tignan. Sakin nagsimula ang lahat.

"...I suggest longer body rest for the patient. Maganda ring magkaroon sya ng kaunting exercise." Patuloy ng Doctor.

May mga bagay pang itinanung sila Tita Gema na hindi ko na naintindihan. Tinignan ko si Ella na mahigpit ang hawak sa kamay ni Aries. Hindi nya inaalis ang tingin dito.

"I'm sorry." Bulong ko habang pinagma-masdan sila.

Abala ang lahat sa pagka-usap sa doctor. Kinuha ko ang pagkakataon para lumabas ng kwarto. Pinunasan ko din ang luhang naka-abang sa mata ko.

"Jay-jay." Tawag sakin ni Percy na nakasandal sa pader sa tabi ng pinto.

Alam kong kanina pa sya nandito. Hindi sya umalis kahit na dumating sila Tita.

"B-bakit hindi ka pa umuuwi?" Sabi ko habang nama-maos ang boses.

Kanina ko pa kasi nilalabanan ang pagluha ko. Pakiramdam ko kasi ang hina-hina ko na. Para bang wala akong kalaban-laban sa mga nangyayari sakin.

"Anung sabi sayo ni Angelo?" Tanung nya.

Umiling ako. Wala syang sinabi mula pa kanina na nang-galing kami sa school. Gusto ko na sanang dumiretso sa bahay pero sa ospital ako dinala ni Kuya.

Ngumiti si Percy at hinawakan ako sa ulo. "Stress na stress ka masyado. Kain muna tayo."

Hindi na ko nagsalita pa at agad na sumunod sa kanya. Parang ginutom ako ng mga nangyari kanina. Natatakot na tuloy ako bumalik sa school dahil sa mga sinabi ni Kuya sa Guidance Councelor namin.

Sa isang fast food malapit sa ospital kami pumunta ni Percy. Sya na rin ang umorder para sakin. Habang kumakain malalim pa rin ang iniisip ko.

Hindi ko na kasi talaga alam ang gagawin ko.

Gusto kong paki-usapan ang pamilya ni Yuri. Pero parang sobrang kapal naman ata ng muka ko non. Matapos kong sagot-sagot ang Head Master nila. Isama pa yung pakiki-usap ng Mama ni Yuri na hindi ko pinansin. Anu pang muka ang ihaharap ko sa kanila.

Pwede ko kayang iharap ang muka ni Author?

(A/N: tangina neto! Baka ma-inlove sakin si Yuri.)

Nag-uumpisa na kong magsisi kung bakit pinili kong wag ituloy ang kasal. Pero kung magpapatuloy naman ako, alam kong hindi ako magiging masaya at pwedeng ganun din si Yuri.

"Hindi na pala tuloy ang kasal nyo ni Yuri." Biglang sabi ni Percy kaya napatingin ako sa kanya.

"O-oo... May kasunduan kami ni Yuri. Ititigil na nya yung engagement kapalit ng pagsisimula namin." Walang buhay kong paliwanag.

"Hmm... No wonder why Angelo suddenly act like that."

Bahagyang kumunot ang noo ko. "Act like... What?"

Ang Mutya Ng Section E (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon